Music is love in search of a word. - Sidney Lanier
(I Guess I'm In Love by Clinton Kane on the Multimedia 💕❤️)
-----
Nagtataka ko namang tiningnan si Mommy tsaka si Ischyro dahil wala akong edeya kung bakit sila magkakilala.
"How did you know each other mom?" I asked which she answered right away.
"His mother is my patient and also my friend way back in high school."
Oh..thats why.
"Ah..sige po doktora, mauna na po ako. Hinatid ko lang kasi si Naia dito."
"O siya sige hijo at salamat sa paghatid sa anak ko. Ah siya nga pala, pupunta ka ba ngayon sa mama mo?" Mom asked kaya napatingin naman ako kay Ischyro.
"Oho doktora. May trabaho pa kasi si Ate kaya walang magbabantay. Wala rin naman hong pasok bukas kaya ako muna ang papalit don."
Ha? Siya ang magbabantay sa mama niya ngayon? Ibig sabihin magpupuyat siya? Hindi ba siya napapagod?
"Napakabait mo talagang bata tsaka Tita nalang ang itawag mo sa akin wag na ang doktora."
"Ah..okay po Tita."
"Sige na at mag-ingat ka."
"Opo. Naia, mauna na ako." Tumango naman ako saka nginitian siya.
Pagkaalis ni Ischyro ay pumasok na kami ni mommy sa loob ng bahay pero bago ako umakyat sa kwarto ay kinausap niya ako.
"Whats the deal between you and Flaime? He even called you Naia so I assume, you two are close."
"Ah..kasi mom..nililigawan niya ako." I told her and I don't know if its okay for her kasi hindi ko mabasa ang mukha niya.
"Sinong nanliligaw sa prinsesa ko?" Nalipat naman ang tingin ko sa nagsalita which is my dad na seryoso rin ang mukha.
"Ah..Hi dad." I said then hinalikan siya sa pisngi.
"You didn't answer me princess, sino ang nanliligaw sayo?" Dad asked at kinakabahan naman akong sumagot.
"Ahm..kaibigan po nina Kuya Eltonn at ni Johan."
"And the son of Flare and Enzo." My mom added.
"Really?? Siya yung manliligaw mo nak?" Dad happily said na ikinagulat ko naman.
"Po? Hindi po kayo galit?" Paninigurado ko kasi noong kami pa ni Harris ay hindi nila siya gusto para sa akin.
"Why would I? I personally knew that young man so I know that he is good for you." Dad said which made me happy. Pero si mom..
"Ahmm..how about you mom? Okay lang ba si Ischyro para sayo?" I asked
"Of course anak! Okay na okay sa akin ang batang yon! Napakabait tsaka masipag!" Mom said thats why napanguso ako.
"Mom naman eh! Akala ko ayaw niyo na naman."
"I'm just trying to test you nak, haha!" Mom
Napailing nalang ako pero sa huli ay niyakap na siya. Me and my parents are so close at kapag nagkakaproblema ako ay open talaga ako sa kanila. Tsaka kahit gaano sila kabusy mula pa noon ay nagkakaroon parin kami ng family bonding kaya hindi malayo ang loob ko sa kanila.
"Sagutin mo agad siya nak ha? Wag mo nang pakawalan kasi gwapo na matalino pa. Sayang ang lahi."
"Mom!! Anong sayang ang lahi?"
"Aba anak, hindi na kami bumabata ng Daddy mo. Gusto na naming magka apo."
"Mommy! Ang bata ko pa nga po eh tapos gusto niyo na nang apo? Hindi pa nga ako nakakagraduate eh tapos hindi pa nga kami ng tao. Dad oh si mommy!"
BINABASA MO ANG
HEART SERIES 1 - Puzzle Piece (Rhythm of Hearts) [Completed]✓
Cerita Pendek♡ Heart Series 1 ♡ A broken heart is somehow the same as a broken puzzle. Hinding hindi mabubuo ang puzzle kung mayroong nasira o nawawalang isang piraso nito. This is a story where two broken persons will be connected and through music, the rhythm...