Prologue

1.8K 69 7
                                    

Prologue



MAINGAY ang paligid. Mga sigawan ng taong hinihiling ang hustisya ang pumupuno sa sentro. At isang babaeng nakaluhod sa entablado, tinatanggap ang mga bagay na binabato sa kaniya.



Ngunit wala ng mas ikakasakit pa ang mga sigaw ng mga taong kaniyang pinagkatiwalaan. Sinisigaw ng mga ito ang hustisya sa pananakit niya sa pinakamamahal nilang binibini.



Ano bang nagawa niya? Nagmahal lang naman siya. Ba't umabot sa ganito?



Muling hinanap ng kaniyang mata ang taong inaasahan niyang tutulong sa kaniya.



Ngunit katulad lang din ng mga mamamayan, may bahid ng galit ang mga mata nito.



Bakit pa ba siya umaasa? Kahit ano namang gawin niyang pagpapapansin hindi parin siya mamahalin nito.



"Ngayong araw, masasaksihan niyo ang pagbibitay sa babaeng nagtangka sa buhay ni Binibining Lucy, si Binibining Amira." Anunsiyo ng konsehal. Lumakas ang sigawan.



Nagsilapitan na sa kaniya ang mga kawal at marahas siyang pinatayo.



Sapilitan siyang pinatayo ng mga ito sa silya upang maisabit na sa kaniyang leeg ang taling babawi ng kaniyang buhay.



Bumaba ang kaniyang tingin sa taong inaakala niyang kakampihan siya hanggang sa huli. May bahid din ng galit ang mga mata nito.



"Naaalala mo pa ba ang sinabi mo sa akin noon? Na balang araw aangat ang tingin ko sayo. Ito na yun." Napangisi na lang siya sa binanggit ng kababata.



Naalala niya nga na sinabi niya iyon noon. Palagi kasi siya nitong nilalait.



Kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa niya ay lait lang ang natatanggap niya mula sa kababata. Kaya niya nasabi ang mga katagang iyon. Hindi naman niya aakalaing sa ganitong paraan aangat ang tingin sa kaniya ng kababata.



Hindi niya nga alam kung paano niya naging kababata ang laiterong iyan.



"Alisin niyo na ang silyang iyan." Utos ng konsehal sa kawal.



Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang siya ay nahihirapan ng huminga.



Saklap naman ng buhay niya. Sa araw pa talaga ng ika labing-walong taong kaarawan niya babawian siya ng buhay.



Napapikit siya at humiling sa bathala sa una at huling pagkakataon. Sana maitama niya ang lahat ng maling nagawa niya.



Sana bumalik ang oras noong hindi pa siya nabaliw sa pagibig. Sana...



Kasabay ng pagtulo ng huling luha niya ang pagtigil ng kaniyang paghinga...



•••

ejim's note 🖇️:
Okay. Di talaga aq marunong gumawa ng nakakaiyak na scene. Naiiyak aq sa kacorny-han ko. Ywa!

©EJ

The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon