Chapter 09

929 58 21
                                    

Chapter 09



"SIGURADO KA BA talaga dito, lady Amira?" Pang animnapung beses na tanong ni Sharmin sakin matapos kong sabihing pupunta ako sa bahay ng dalawang matandang nag-claim na apo nila ako.



"Alam mo? Paulit-ulit ka. Ilang beses ka bang pinanganak ng nanay mo?" Naiiritang sambit ko.



"E.. baka kasi may mangyaring hindi maganda. Alam mo na... uso budol ngayon." Nag-aalalang ani niya.



Hindi na kasi siya inis sakin kaya nag-aalala na siya pero hindi niya parin nakakalimutan ang hatian ng pera. Mamaya na namin yun gagawin dahil medyo marami-rami rin yung nalimos namin na money. Maraming nag drop ng money e. We're rich!



Pero natamaan ako ng slight dun sa sinabi niyang budol. Slight lang naman.. di naman siya masakit.



Inilingan ko siya. "'No ka ba. I'm an alpha kid nga, kaya wag mo na 'kong alalahanin. At saka wala ka ng responsibility sakin dahil nag-resign ka na, remember? Kaya wag ka na mag overthink, nakakasama yan sa health. Nakakamatay."



"Pero, lady Amira-"



"At wag mo na rin akong tawaging Lady Amira. From now on, call me Mira."



"O-okay, Mira... Pero, paano kung-" pinutol ko na naman ang dapat na sasabihin niya.



Napasuklay ako sa buhok dahil sa iritasyon. "Para ka namang wtf e.. paulit-ulit na lang. Sabi ng wag mag-alala, kaya ko na sarili ko. Pero kung hindi ako makakabalik mamayang hapon, edi hindi ako makakabalik." Naiinis na sambit ko.



"Lady Amira- Mira, hindi naman kasi ako nag-aalala sa 'yo. Ang iniisip ko lang, baka hindi na tayo magkakahatian kung hindi ka makakabalik mamaya, kaya keep safe." Napapakamot sa batok na sabi niya.



Mariin na lang akong napapikit saka humugot ng malalim na buntong hininga. Sinasabi ko na nga ba. Wala talagang makakatalo sa pagiging ungenerous nitong si Sharmin. Nagsisisi akong binuhay pa ako sa mundong ito.



Sana pinutok na lang ako sa kumot.



Kung doon sa earth, stress ako sa school at sa kuya kong bulastog. Dito, mamamatay ako kay Sharmin. Tumataas ang alta-presyon ko. Na-h-highblood ako. Gusto kong manapak ng male lead. Ywa.



Lord, pahabain niyo pa ng slight ang pasensya ko, kasi kunti na lang masasapak ko na ang echoserang 'to.



Hmmp! Ayoko na lang mag-talk.



Isinubo ko na lang ng buo ang tinapay sa inis. Kasing laki lang yun ng pandesal sa earth kaya kasya sa bibig, kaso..



Kanda-ubo-ubo ko itong iniluwa. "Tngina. Anong klaseng bato 'to? Tinapay?" ,baliktad pa bwisit.



Sa inis ko ay isinaksak ko ito sa bibig ni Sharmin na humihikab pa. Iyak-iyak at
kanda-ubong niluwa niya ito. Sinamaan niya ako ng tingin kahit ubong-ubo pa siya. Pasensya na ha. God bless.



"Ang sama mo. Tao ka pa ba?" Pagdadrama niya.



Inirapan ko lang siya at saka sinuklay ang malambot kong buhok. Biglang nawala ang inis ko nang makita ang kulay nito.



Biglang may pumasok na tanong sa isip ko. "Ngayon ko lang napansin, bakit parang ako lang ang may puting buhok dito sa emperyo?"



Ah, baka nagkakamali lang ako. Hindi ko pa naman kasi napupuntahan ang ibang lugar ng Arelon Empire kaya di sure kung ako lang ba.



The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon