Chapter 06

1K 70 60
                                    

Chapter 06


"NAKO, LADY AMIRA, bakit niyo ba kasi pinainit ang ulo ni Lord Lucian. Ayan tuloy, wala ng magsu-sweldo sakin," nag-aalalang saad ni Sharmin.


Nagusot ang mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hanggang ngayon ba naman, pera parin ang iniisip niya? Naiiyak na ako sa maid na 'to.


"Fake 'yong ex-tatay ko? Doon ka magpasweldo, wag mo 'ko guluhin." Iritang sambit ko habang pabalang na pinapasok lahat ng damit ko sa spatial sling bag. Buti na lang talaga at nabudol ko ito dun sa witch kahapon, hindi na ako mahihirapang magbitbit ng mga bagahe.


Ngayong umaga lang ako nakapag-empake dahil magdamag sumakit ang puso ko. Umabot pa sa puntong nahirapan na akong huminga, buti na lang at nandito si Sharmin para umalalay sakin.


Hindi ko aakalain na ganoon ang magiging epekto ng ginawa ko kay Amira. Mahal na mahal niya talaga ang tatay niya, na to the point pati ako ay nasasaktan, nadadamay na! Leche! Hindi ko alam kung ano ang kamahal-mahal sa tatay niya. Wala naman itong ibang ginawa kundi ang tratuhin lang siya na parang hindi anak.


At dahil ako ang nasa loob ng katawan ni Amira, ako ang nagdusa. Para akong tinutorture kagabi. Akala ko talaga matitigi na ako. Akala ko, mamemeet ko na si kamatayan! Nagsisisi na ako! Hindi na talaga ako mag papadalos-dalos next time.


Pero hindi yun promise. Dahil hindi ko masisigurado kung mapipigilan ko ba ang sarili ko kapag may ginawa na namang hindi maganda ang pamilya niya sa akin.


And to be honest, I am very very disappointed. What kind of a family are they? What kind of a father is he? Kunting hindi pagkakaunawaan, nagawa niyang itakwil ang sariling anak ng ganun-ganon lang.


Curse him! Damn him! Damn! Dahil sa nangyari, hindi ako nakakain ng masarap kagabi!


SUOT ANG PANLALAKING hanfu at itim na cloak, pumunta ako sa downtown para maghasik na naman ng kabudolan kasama ang alalay kong si Sharmin.


Nagco-cross dressing ako ngayon dahil ayokong makilala ng mga Marites at pagtsismisan na naman.


And yes! Sumama sa akin ang bruha dahil ayaw niya daw bumalik sa pagiging maid ni Lucy. Bukod kasi sakin, alam rin ni Sharmin ay tunay na kulay ni Lucy kaya ayaw niyang pagsilbihan ito kasi kung makautos din daw dinaig pa ang diyos.


Mas mabuti pa nga daw ang diyos, sampu lang ang utos, si Lucy, parang hindi matapos-tapos sa pag-uutos. Charrot. Di niya sinabi yung una. Iba ang god nila dito.


"My lady, gutom na ako." She complained. I pursed my lips.


Kunti na lang talaga, masasapak ko na ang bruhang ito. Kaninang paalis kami sa residence ng mga Hans, puro reklamo lang ang lumalabas sa bibig nito.


Paalalahan niyo nga ako kung sino sa aming dalawa ang katulong dito.


"Seryuso? My lady? Ganito ang suot, my lady tawag mo sakin?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tawagin mo akong Lord Alexander."


"Sige po, my lady— Lord Alexander, sabi ko nga!" Umiwas siya mula sa pagkakahampas ko.


Inirapan ko siya saka siya iniwan para maghanap ng makakainan. Shuta! Kahapon, hindi ako nakapag-almusal, hindi nakapag-tanghalian, at hindi rin ako nakapaghapunan. Ngayon, hindi rin ako nakapag-almusal, buti buhay pa ako.


"Ba't ka ba sumama sakin? Wala akong pang-sweldo sayo."


"Huh? Sumabay lang po ako. Uuwi na po ako sa amin dahil may sapat na akong pera para sa pagaaral ng kapatid ko. Yun nga lang, nasasayangan parin ako sa sweldo na di ko matatanggap ngayong buwan dahil pinalayas kayo." Nanghihinayang niyang saad.


The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon