Chapter 04

1K 61 23
                                    

Chapter 04



LUMISAN NA KAMI ni Sharmin sa lugar na iyon dahil dumarami na ang mga Marites na nag-uusap tungkol sa akin.



Pambihira!



Anyway, hindi ko namalayang nagkahiwalay pala kami ni Sharmin. Dahil sa sobrang pagkamangha ko sa lugar ay naligaw na ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Sharmin at hindi na niya ako nasundan.



Well, sino ba naman ako para sundan niya? Isa lang naman akong kahihiyan sa mundong ito.



Napailing na lang ako sa sariling kagaguhan.



As I blended to the crowd, I saw an familiar small alley. Biglang pumasok sa isip ko ang alaala ni Amira kung saan pumasok siya sa isang lugar na hindi ko aakalaing pupuntahan niya.



Nagliwanag ang mukha ko. Iyan ang daan papunta sa black market.



Nakwento saakin ni Sary na minsan ng napunta si Lucy sa lugar na ito at dito rin niya nakuha ang isang legendary weapon na ginagamit niya sa pagpaslang sa mga corrupted species.



Ang mga corrupted species ay ang mga taong pinag-eksperimentuhan ng mga dark witch.



Pfft.



Muntik na akong matawa nang maalala
kung anong klaseng legendary weapon ang sinasabi niya.



Pellet gun- err, not an ordinary pellet gun, dahil ang bala nito ay kayang tunawin ang parte ng katawang tinamaan. Kaya kung tatama ito sa ulo, tegi agad. Babye world.



And also, infinite ang bala nito kaya nakuha nito ang interest ko.



Sa novel, nakuha ito ni Lucy. Pero ngayong nandito na ako, hindi ko hahayaang mapunta ang bagay na iyon sa kanya. Well, hahayaan ko na sana ito kaso pinakita niya ang napakasama niyang ugali kaya, wala na.



Tsaka, baka gamitin pa niya iyon sakin, edi na tegi na naman ako for the second time.



I need to get that thing. Hindi pa naman siguro nakuha ni Lucy iyon, noh? According sa timeline na napasok ako dito, hindi pa nagsisimula ang plot.



Sa isang banquet pa magsisimula ang nakakasukang love story ni Alas at Lucy na I think, next week mangyayari.



And, makukuha lang niya ang weapon na iyon ilang months matapos magsimula ang plot so I guess, hindi pa nga nakukuha ni Lucy ang legendary pellet gun. Pfft!



Wala naman sigurong magagalit kung uunahan ko si Lucy sa pagkuha ng bagay na iyon. Hihi.



As I walked through the small alley, there I saw a wooden door at the right side. Sa unang tingin ay aakalain mong isa lang ordinaryong pinto.



Pero kung isa kang curious na tao ay makikita mo kung anong nasa loob ng pintong iyan. Ang daan papunta sa underground black market. Literal na underground.



Kahit hindi ko pa nakikita ay naiimagine ko ng sobrang laki nito na halos maikukumpara na sa isang buong bayan.



Well, binase ko lang 'yan sa alaala ni Amira dahil madalas siyang pumupunta sa lugar na ito upang magbid ng mga alahas sa isang auction house.



Hindi ko na naman maiwasang mamangha. Ibig sabihin, ang ilalim ng kinakatayuan ko ngayon ay ang black market. Buti hindi gumuho.



When I entered the wooden door I was greeted by a lad who I guess is a bartender. Busy siya sa pagmimix ng alak ngunit ang atensyon niya ay nasa akin.



The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon