Chapter 11

939 76 36
                                    

Chapter 11

TUMAGAL NG ISANG MINUTO ang 'halikan session' namin ni Alastair bago ko na-realized ang kalokohang nangyayari.

Agad akong napahiwalay sa kaniya at tinignan siya ng nanlalaki ang mata. Shuta! Anong kagaguhan yun?! Bakit bigla-bigla siyang nanghahalik? At ba't ako nasarapan?!

What the f, self? Ba't ka nagpadala?! Ang harot mo! Nasaan na yung pagka-dalagang pilipina mo?

"B-bakit mo ginawa 'yon!?" Tarantang tanong ko saka napahawak sa labi. Shocks! Paisa pa, please.

Yak! Self! Harot mo!

Okay lang naman na halikan niya ako eh. Kahit torrid kiss pa 'yan, okay'ng okay lang. Mesherep yung labi niya. Mesherep na mesherep— ang kaso nakita kami ng crowd na hinila niya ako papuntang backdoor! Hindi ba siya nag-iisip? Paano kung ma-issue kami?! Oh no! Dagdag problema na naman ito. Ywa. Hindi ko pa nga nalilinis ang pangalan ko, dinagdagan pa niya!

Shet talaga!

At saka first kiss ko yun! Hindi ba niya alam na importante sa akin ang first kiss ko? Gusto kong ibigay ang first kiss ko sa taong mamahalin ko, tapos dapat nasa romantic kami na lugar. Like sa Paris, sa ilalim mismo ng Eiffel Tower. Pero naglaho na lang na parang bula ang pangarap kong iyon dahil ito siya, isang kontrabida ng aking buhay, sinunggaban lang ako bigla?! Isa siyang malaking asdfghjkl@#$!

Wait— ano nga ulit ang nangyari?

H-hinalikan ako ni Alastair?!

Ahhhh!!

Hindi pwede 'to! Hindi pwede 'to! Bakit ganito ang nangyayari?! Bakit nag-iba ang eksena? Bakit niya ako hinalikan?! Wala 'to sa kwento! Walang nasabi si Sary na nag-chukchakan si Amira at Alastair! This can't be! Kontrabida siya ng aking buhay!

Pero bakit ako kinikilig? Huhuhu. Amira naman eh, wag ka munang lumandi. Shuta ka.

"Mahal, bakit hindi ka na pumupunta sa ating tagpuan?" Malambing niyang bulong sakin.

Mahal daw, yieeee.

Huh—?

Haaaa?

Ano daw?! Mahal? Ako? Tinawag niyang mahal? Hahaha. Puno na siguro ng tutuli 'tong tenga ko o baka guni-guni ko lang siguro 'yon. Bakit naman niya ako tatawaging mahal? Hah! Nababaliw na ata ako. Hahahahahaha. Tama. Nababaliw lang ako. Ito na siguro ang resulta ng inulam kong panis na cornbeef noon. Di ba? Di ba? Di ba?!! Hindi. Hindi pwede! Ahhh!!

Okaaay. Kalmahan mo lang, Amara, para makapag-isip ka ng maayos kahit wala ka namang isip. Relax. Inhale. Exhale. Inhale. Exha—

"What is the meaning of this?"

"Utot na pinasok sa ref, tumigas— ayy!! Ba't ba kayo nanggugulat—?!" Gulat na sigaw ko.

Tsk. Kailangan ko na atang bawas-bawasan ang pag inom ng kape. Nagiging magugulatin na ako.

Nanlaki ang mata ko at agad na napatakip ng bibig nang makita ang pamilya kong parang papatayin na ako sa sobrang sama ng tingin.

Napalunok ako. Sheyt. Para silang pamilya ng mga kontrabida, tapos ako naman ang inaaping bida na nakagawa na naman ng bagay na hindi nila nagustuhan.

Pero wala naman akong ginawang masama!

Siya! Siya!

Si Alastair may ginawang mesherep!

"Sorry po." Tanging saad ko. Hala! Nandito sila! Nakita nila yung chukchakan namin?! Di bale na, masarap naman eh.

Hinanap ko sa kanila ang empaktang dapat na nandito. Asan ka na ba kasi si Lucyy!? Binibigyan niya talaga ako ng sakit sa brain cells! Ini-stress niya ako! Kung nandito lang siya hindi magiging ganito ang eksena.

The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon