Chapter 03

1.1K 60 19
                                    

Chapter 03


NAWALA ANG nakakalokong ngisi sa aking labi nang biglang may kumatok sa pinto.


I frowned before opening the door. Sinamaan ko ng tingin ang taong kumatok. Mabilis na napayuko si Sharmin at nanginginig na inihayag sa akin ang sasabihin.


"N-narito po si Lady Lucy." Utal niya. Napaatras siya nang lumapit ako sa kanya.


"Tigilan mo nga yang panginginig mo. Magbabago na ako, hindi na kita bubugbugin." Sita ko sa kaniya.


Napaangat siya ng tingin saka ako binigyan  ng 'sure ka? look'. Muntikan na akong matawa sa itsura niya. Para sa kaniya, parang imposible ang sinasabi ko.


"Magbabago na talaga ako, magiging mabuti na akong nilalang." Assure ko sa kaniya.


Napatungo na lang siya. Halata sa mukha niyang hindi siya naniniwala kaya napailing na lang ako.


Tinapik ko ang kaniyang balikat saka siya nilagpasan.


Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, alam ko ang pasikot-sikot ng bahay na ito. Siguro instinct?


Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi ko maiwasang madisappoint sa mga taong nasa paligid ni Amira, lalong lalo na sa tatay niya na tatay ko na ngayon.


Hindi porket masama ang ugali ni Amira ay kailangan na siyang ipatapon sa sira at mukhang abandonadong bahay.


Kagaya ng nakikita ko ngayon, ang pader na gawa sa kahoy ay sira na, halatang hindi matibay na uri ng kahoy ang ginamit. Ang mga bintana ay may butas-butas. Marami ring alikabok at cobwebs kaya napapa-hatsing ako.


Pero kahit sira-sira na ang bahay ay hindi maitatangging maganda ito, at for sure, mas lalong gaganda 'to pag nalinis at inayos na. Mas malaki pa nga ang bahay na ito kaysa sa bahay ko noon.


Anyway, I'm still thinking kung anong dahilan ng prime minister at bakit niya kami ipinatapon dito.


Sa alaala ni Amira, hindi mahal ng prime minister ang unang asawa na ina ni Amira. Maging si Amira ay hindi nito magawang tanggapin kahit na sariling kadugo niya ito.


Buong akala kasi ng punong ministro na hindi niya anak si Amira dahil sa kulay ng mata at buhok nito.


Pinili ng prime minister na patirahin ang pangalawang pamilya sa main mansion at sila Amira na unang pamilya ay pinatapon sa sira-sirang bahay na ito.


Hindi rin pinalinis ni Amira ang bahay na ito dahil umaasa siyang kukunin siya ng ama at tatanggapin ng buong puso.


Hayy nako. Ngayong ako na ang gumagamit sa katawan niya, hindi na ako maghihintay na tanggapin ako ng ama niya. Baka puti na ang buhok ko sa buong katawan hindi parin ako natatanggap ng tatay niyang hilaw.


Nang makarating ako sa hardin ay naabutan ko si Lucy na nakatayo habang tinitignan ang mga bulaklak. Nakalugay ang ginto niyang buhok na kumikinang sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.


Nakatayo sa may di kalayuan sa kaniya ang kaniyang maidservant.


Nakangiting nilapitan ko siya. Shet! This is it! Hindi man ako fan ng novel na ito pero hindi ko maiwasang maexcite. Ganito pala ang feeling ng isang fan na nakipag-meet and greet sa kaniyang hinahangaan na artista.


Pero syempre, hindi artista itong kahaharapin ko dahil mismong ang heroine na ang ka-meet and greet ko.


Nang mapansin ni Lucy ang presensya ko ay lumingon ito sa akin at nginitian ako ng malawak.


The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon