Chapter 02

1.2K 71 18
                                    

Chapter 02



SABI NILA, pag namatay ka daw, dalawang lugar lang ang mapupuntahan mo. It's either heaven or hell. And I'm sure, sa empyerno ako mapupunta dahil bawal ang palamura sa langit.



Pero anong nangyari sa akin? Nang magising ako, hindi paraiso o nagbabagang apoy ang bumungad sa akin. I was greeted by an ancient chinese like room.



Kasabay ng paggising ko ay ang pagsabog ng mga alaalang sigurado akong hindi akin. Mga alaala ng dating may-ari ng katawan na sinaniban ko.



I groaned and groggily sat up from the bed. Nahagip ng mga mata ko ang isang human sized mirror. Matamlay na tumayo ako at naglakad papalapit dito saka pinakatitigan ang mukha ng katawang ginagamit ko ngayon.



I guess, I was reincarnated to another body, but weird, magkapareho kami ng mukha. Same rin ng height at.. chest size. Shuta, pati ba naman dito, flat-chested parin?



Everything were all the same, except sa kulay ng mata at buhok.



I brushed my white hair. Kung noon ay pitch black ang buhok ko, ngayon ay kasing kulay na ng isang niyebe. My eyes color changed too. From hazelnut brown to crimson red.



Para kaming pinagbiyak na bunga.



Amira Hans. She is the villainess of a certain novel entitled 'Loving Relentlessly'. She's also known as the wicked lady of House of Hans.



Her sister, Lucy, was the heroine of the novel while the fifth prince is the male lead. At dahil baliw si Amira sa fifth prince na si Alastair, muntikan na niyang mapatay ang sariling kapatid, that lead her to her death.



Ang totoo niyan, nakalimutan ko na ang ilang detalye ng novel. Basta ang alam ko, tinangka niyang itulak si Lucy sa cliff pero napigilan iyon ng personal knight ni Alastair.



Napailing na lang ako. Magkamukha nga kami ni Amira ngunit sobrang layo ng ugali namin. Ako, palamura na mabait. Siya, marupok na warfreak.



I tilted my head.



Honestly, ang unfair. Muntikan lang naman mapatay ni Amira si Lucy, tapos ang pinarusa kay Amira ay kamatayan. Pwede naman lifetime imprisonment, ba't kailangan patayan agad? Well, wala na tayong magagawa.



Anong wala?! Kailangan may gawin ako dahil ako na si Amira ngayon! Nanlulumo at naiiyak na napasabunot ako sa sarili dahil sa frustration.



Shuta naman! Gusto kong magwala dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Pero alam ko naman na walang mababago pag gagawin ko yun.



Pero shuta ulit! Ba't sa lahat ng taong pwedeng saniban, yun pang taong nasa loob ng novel, take note! Kontrabida pa!



I can't believe this! Pwede naman sa bida, o kaya yung supporting characters o kaya bato na lang sa tabi-tabi. My ghad! Wala na sana akong iisipin ngayon kung naging bato ako.



Ngayon ay tulalang nakatingin lang ako sa salamin. Iniisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.



Tahimik lang naman akong naglalakad kanina, ah? Tapos namatay unexpected.



Wait— don't tell me, portal yung basurahan na yun papunta sa mundong ito? Ito na ba ang parallel universe? Okay, nonsense.



I need to focus. Ang dapat kong isipin ay kung paano ako makakasurvive sa sitwasyong ito. Pero bago yun, kailangan ko munang alamin kung anong klaseng mundo itong napasukan ko.



The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon