Chapter 07

992 65 54
                                    

Chapter 07


THE SIXTH PRINCE is one of the most dangerous person in the novel! Isa siya sa mga taong ginawang impyerno ang buhay ni Amira dun sa original plot. At kailangan kong iwasan ang empaktong ito dahil mahal ko pa ang buhay ko. Di bale ng pogi.


Siguro kailangan ko ng mag take note sa isip ko. Saka na sa papel dahil wala pa akong pera pambili, taghirap ngayon.


Sa novel, 'Loving Relentlessly', there are five male leads na nakapalibot kay Lucy. Isa rin kasi sa genre ng novel na 'to ay Harem. Napapalibutan ang female protagonist ng mga nag-gwagwapohang lalaki. At lahat ng mga tangang iyon ay gagawing impyerno ang buhay ko para lang sa malanding kapatid ko.


Ang swerte ng empakta!


Nangunguna na doon si Alastair Wen Minxiao, 22 years old, ang fifth prince ng Arelon Empire na cold to everyone, pero mas malambot pa sa mamon pagdating kay Lucy. Pwe! Ewan ko kung ba't nagkagusto si Amira sa animal na 'to.


May kapangyarihang apoy ang prinsipeng ito na namana niya sa kaniyang ina, kaya kung ayaw ko pang matusta ng buhay ay kailangan ko ng iwasan ang animal na 'to.


Pumangalawa ang sixth prince na kaharap ko. Allen Yin Minxiao, 21 years old, full brother ni Alastair, pareho silang anak ng isang concubine pero hindi sila close na magkapatid dahil magkaiba ang pananaw nila sa buhay. Kilala ang animal na 'to sa pagiging playboy. Pero nang makilala si Lucy, dinaig pa ang aso sa pagiging loyal. Powerless ang animal na 'to pero magkasing lakas sila ni hawk, sabi ni Sary.


Pangatlo is no other than Asahi Chen, 22 years old, personal knight ni Alastair at ang nagligtas kay Lucy mula sa pagkakatulak ni Amira sa cliff dun sa original plot. Hindi ko rin alam kung bakit sinisiksik ni Amira ang sarili sa animal na 'to. Laitero naman. Kunti lang ang impormasyon dahil pa-mysterious ang animal.


Pang-apat ay isang batang duke galing sa ibang emperyo. Harker Xing, 23 years old. Kunti lang ang alam ko sa animal na 'to pero alam ko isa rin ito sa nagpahirap kay Amira.


Panglima ay isa ng commoner. Joseon Feng, 20 years old, nainlove kay Lucy dahil sa kabaitan at sa mala dyosang ganda. Na hindi ko maitatanggi. Pwe! Dun sa original plot, tinorture ng animal na 'to sa Amira sa pamamagitan ng paglagay ng flesh eating bacteria sa katawan nito. Pero sinuwerte ang bruha, nakahanap ng gamot kaya nabuhay pa hanggang eighteenth birthday.


Ang masasabi ko ay, sa lahat ng male characters, ang animal na 'to ang pinaka delikado dahil sa kapangyarihan nitong destruction. Isang pitik lang nito, kaya na nitong gawing abo ang buong kaharian. Kaya ingat-ingat, baka magulat na lang ako abo na ako bigla.


Argh! Ka-stress! Bukod pa kasi sa mga male characters, may iba pa akong dapat iwasan na mga character.


Isa na doon ang female lead na si Lucianna 'Lucy' Hans, 20 years old, panganay na anak ng isang tangang prime minister. Sa novel, sobrang bait ng hayop na ito. Ngayong alam ko na ang totoong kulay nito, kailangan ko na talagang mag-ingat. Malay mo, inutusan na pala niya ang isa sa kaniyang mga aso na patayin ako.



Isingit na rin natin ang isang sikat na assassin na namention sa novel. Reese ang codename ng empakta. Sa original plot ay inoffend ito ni Amira kaya pinagtangkaan siyang patayin nito. Pero sinuwerte ang bruha. Nakatakas.


At dahil hindi pa naman nagsisimula ang plot, ligtas pa ako. E-eh, not sure. Wala pa naman siguro akong naging kaaway bukod kay Lucy, Lilith, ex-tatay ko at Asahi, 'no? Tsaka kung meron mang iba, di naman na nila ako magagalaw kapag isa na akong ganap na adventurer. Dahil sisiguraduhin kong pupunta ako sa other side ng mundong ito. HAHA.


The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon