Chapter 10

934 67 24
                                    

Chapter 10



"WHAT ARE YOU doing here?" Tanong ng poging humarang kay Sharmin.



Shems! Ang matres ko! Nalaglag!



Sininghalan ito ni Sharmin. "Oh? Anong ginagawa ng isang hayop dito?" Inis na tanong nito pabalik. Ay waoo ang taray natin ngayon ah.



"I asked you first so better answer me first." Nakataas ang kilay na sabi ni pogi.



"Aws? Hindi mo itatangging hayop ka?" Instead na sagutin ay binato ulit siya ni Sharmin ng mapang-asar na tanong.



"Answer me or I'll call the guards to get you out of here." Banta ni oppa na ikinasama ng mukha ni Sharmin.



"Teka nga.. ano bang pakialam mo kung nandito ako? Sino ka ba? Bakit mo ako pinapakialaman? Pakialamero ka?"



"Sharmin, I'm asking you politely. What's with your attitude?"



Nagsamaan sila ng tingin.



Nagpabaling-baling lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Uhh.. anong meron? Na-o-out of place ako ha.



Bakit galit si Sharmin sa mala-kpop na lalaking 'to? Magkakilala ba sila? Eh, bakit inis siya? Hindi ba dapat kinikilig na siya ngayon dahil napaka-exaggerated ang kapogian ni kuya?



Pakipot ka teh? Pasalamat ka nga ikaw ang tipo ni kuya. Kung ako yun, susunggaban ko kaagad. Palay na ang lumalapit eh.



"Answer me." Ma-awtoridad na ani ni kuya sa pakipot na si Sharmin.



"Bakit ba? Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?! Ikaw lang ba ang invited, ha? Baka nakakalimutan mong isa rin akong noble? Ay, teka— bakit ka nga ba nandito sa harap ko at nag-f-feeling close? Matapos mo akong lokohin at paasahin ang kapal ng mukha mong magpakita pa! Matapos mong saktan ang marupok kong puso, may lakas ng loob ka pang humarap sakin! Walang hiya ka! Hindi ko pa nakakalimutan ang mga ginawa mong pag-yakap at pag-halik—"



Ayy. Sana ol.



Bago pa man matapos ang pag-r-reminisce ni Sharmin ay pumagitna na ako. Buti na lang talaga at walang tao dito at nasa event hall na ang karamihan kundi baka machismis na nga kami. Napatingin si kuyang oppa sa akin ng may pagtataka. Mukhang ngayon lang ako napansin.



Ouch ha. Ouch. Hindi niya kaagad napansin ang aking stunning beauty.



Argh! Whatever! Maganda parin ako at bagay ang beauty ko sa gwapo niyang mukha. He has this long black silky hair, thick eyebrows, pointed nose, and red lips. Idagdag pa ang malamig pero mapaglarong singkit na itim na itim niyang mata, nagmumukha talaga siyang koreano. Tapos nagmumukha na naman akong duwende dahil sa tangkad niya. Hanggang balikat lang naman ako.



Bakit ba mukhang mga kapre ang mga lalaki sa mundong 'to?



"Hihi. Oppa, pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko. Nag-me-menopause na kase." Hilaw na sabi ko. Rinig ko ang pag-singhap ni Sharmin sa likod ko. "By the way, ako si Mira Xiang na naniniwala sa kasabihang pandak man ako sa inyong paningin kaya naman kitang pakiligin." Taas-baba ang kilay na dagdag ko.



Corny. (─.─|| )



Pero agad din akong napatigil. Holy sheet! Baka isa itong noble or aristocrat or royalty? Hala?! Baka na-offend ko siya?! Baka bigla na lang niya akong patayin dahil sa kaharutan ko! Oh my! Bakit ba kase ang harot-harot ko?!



The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon