Chapter 12

1.6K 70 56
                                    

Chapter 12

WALA NA! AYOKO NA! Pauwiin niyo na lang ako sa amin! Pinapahiya ko lang ang bandera ng Earth!

Gosh!

Kakatapos lang ng Etiquette Class ko and as usual, puro katarantaduhan lang ang ginawa ko. Ang sabi nga sa 'kin ni Madame Ayen, ang etiquette teacher ko, mas matalino pa raw sa akin ang limang taong gulang.

Kung alam lang niya. Pfft!

Dalawang buwan na simula no'ng parang bombang in-announce ng shutanginang pamilya ni Amira sa harap ko ang engagement namin ni Alas.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang na-engage na ako sa kutong lupang Alastair na 'yon. At ikakasal kami sa araw mismo ng aking coming of age na mangyayari na five months from now. At lahat ng ito ay plano niya!

Gusto niya akong pakasalan, hindi dahil na love at first sight siya sa akin o may gusto siya sa 'kin. Gusto lang niyang makakuha ng impormasyon sa 'kin tungkol sa underground.

At ang engagement na ito ay ginawa niyang pang blackmail sa akin. Itutuloy niya raw ang kasal kung hindi ako kakanta. Alam niya kasing ayaw kong ma-involve sa mga royalties, aristocrats, at nobles kaya iyon ang pinang-blackail niya.

Pero syempre, hindi ako singer 'no, kaya hindi ako kumanta.

Tinry ko na ring tumakas. At nagtatagumpay naman ako, yun nga lang, hanggang sa mga imperial guards lang. Dahil hindi ko natatakasan ang mga shadow guards ni Alastair. Masyado silang magaling. Kaya ang ending, sa imperial palace pa rin ang bagsak ko. Bantay sarado ako ng ogag eh.

Piste talaga siya ng buhay ko!

Wala na akong pake kung paano niya nalaman ang tungkol sa pagka-disgusto ko sa mga maharlika, ang gusto ko lang ngayon ay ang matigil ang kasal.

Kung hindi ko siya matatakasan, edi idaan natin sa ibang paraan. Dapat ma-turn off sa akin ang imperial family sa pamamagitan ng kawalan ng kaalaman sa proper etiquette. Pag nangyari 'yon, malaya na ako! Bahala na ang aking dangal!

Bwuahwahwahwa!

Pero dalawang buwan na! Dalawang buwan ng puro katarantaduhan lang ang ginagawa ko pero hindi parin umi-effect! Hanggang ngayon ay engaged parin ako sa lamang lupang 'yon.

Hindi ko alam kung may pake ba sa pangalan nila ang imperial family o wala. Mababahiran ang iniingatan nilang reputasyon kung papakasalan ako ng kaanak nila!

Hindi ba sila nag-aalala? Hindi ba sila nag-aalala na ang isang tarantadong tulad ko ay magiging myembro na ng pamilya nila?!

Lalo na ngayon na kalat na kalat na sa buong emperyo na 'ang future misis ng kanilang minamahal na prinsipe Alastair ay tarantado' na ipinakalat lang naman ng aking butihing guro sa Etiquette Class. Hindi parin ba sila nag-aalala?

Litse!

Biglang pumasok sa aking study room si Sharmin dala ang isang sobre. Siya ang kinuha kong personal maid. Willing naman siyang paglingkuran ulit ako kaya no problem na.

Hindi ko alam kung ba't mas gusto pa ng isang 'to na maging maid kaysa mag pakasasa sa pera ng ama niyang isang duke. Napag-alaman ko ring ang pamilya niya ang pinakamayamang noble sa emperyo nila. Suss! Kung ako yon, magdi-dive na ako sa kayamanan nila.

Hayss, naiinggit na naman ako. Poorita pa rin kasi ako hanggang ngayon.

"Invitation from House of Changsu." Sabi niya saka inabot sakin ang letter.

Napabuntong hininga na lang ako. Simula no'ng kumalat sa empire ang pagiging fiancee ko kay Alas ay sunod-sunod na ang mga invitation na dumadating.

Alam ko naman kung bakit nila 'to ginagawa. Iniimbitahan lang nila ako para makipag-plastikan, makasipsip o kaya'y maninira ng kapwa.

The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon