Chapter 08

955 77 27
                                    

Chapter 08



HARKER?! AS IN DUKE HARKER XING?!



Weh?



"Sabi ng nagsasabi ako ng totoo eh!" Giit ni Sharmin. Napasabunot na lang siya sa sarili dahil sa inis sakin.



Sorry naman. Di lang talaga ako makapaniwalang ginawa siyang trial card ng isa sa mga male lead. At tsaka, di rin ako makapaniwalang playboy pala ang dukeng 'yon, akala ko magkaugali sila ni Alastair, yung pa-cold cold to everyone. Charr. Nakakamatay talaga ang maling akala.



"Wala naman akong sinabing nagsisinungaling ka. Nagtatanong lang ako 'no." Depensa ko.



"Eh, ilang beses mo na kasi akong tinatanong, parang pinapalabas mo lang na nagsisinungaling ako." Maktol niya kaya napakamot na lang ako sa batok.



"Pasensya na ha, tao lang." I said. Inirapan niya lang ako.



Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa hawak na ukulele na pagmamay-ari niya. Sinubukan kong patugtugin ito at kumanta ng Titibo-tibo pero agad rin akong tumigil at napaismid. Bwisit.



Ibinalik ko na lang sa kaniya ang ukulele at hinayaan siyang patugtugin ito. Sa sobrang ganda ng pagkakatugtog niya ay napapalingon sa amin ang mga taong dumadaan. Sana all.



Nag-cross arm ako. Ito lang pala ang laman ng bag niyang gawa sa kawayan— hindi ko alam ang tawag doon, at kunting damit.



Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ukulele sa panahon na ito, parang hindi pa naman naiimbento ang bagay na 'to sa ancient chinese. Pero dahil baliko ang utak ng author at naparami ang singhot ng katol ay 'di na ako magugulat kung makakakita ako ng mga mala star wars na gamit.



"Alam mo—"



"Hindi ko alam." Agad kong putol sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Good job, Amara, nakaganti ka rin sa pambabara niya.



"Bahala ka. Ayaw mo atang magka-pera, eh." Kibit balikat niya.



Nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang magic word. Mabilis ko siyang nilapitan humingi ng tawad. "Sorry na, baby. Joke lang yun, baby. Pano magkakapera, baby?"



Nandidiri niya akong tinignan. "Heh! Ang laswa! Hindi tayo talo kaya layu-layuan mo ako!"



Nakasimangot naman akong lumayo sa kanya. "For your information, lalaki ako ngayon."



Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kung umasta ka, para kang bakla, tsaka wala ka paring lawit kaya tumahimik ka na lang." Mas lalo akong napasimangot.



"Psh!" Singhal ko. Ang lakas na talaga ng loob niyang i-bully ako. Kung totoong Amira lang 'tong kaharap niya baka pinakain na siya sa Morai. "Ano bang sasabihin mo?"



Bumuntong hininga siya. "Ganito yan.. diba kulang lang yung napanalunan nating pera kahapon para pambili ng bahay?"



Napatango ako. "Oo... Pero ano namang gagawin natin sa bahay, eh may inn naman tayong tinutuluyan?"



"Meyron nga, pero pang isang linggo lang yung binayaran natin at hindi rin magtatagal, mauubos rin yung pera natin." Saad niya na ikinatango ko. "Kung bibili tayo ng bahay o mas magandang bungalow house ay hindi na tayo magbabayad, ang poproblemahin na lang natin ay ang pagkain." Dagdag niya.



Tumango-tango ako. Naks! Tumatalino na si Sharmin. Di halatang broken hearted.



Pero.. parang may mali... "May bahay naman kayo diba? Diba may kapatid ka?" Tanong ko na ikinakamot niya ng batok.



The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon