Chapter 01

1.4K 77 39
                                    

Chapter 01



"AMARA, I TOLD YOU to read the story na, maganda kaya," pamimilit niya. I frowned at her.



"I told you too, Sary, na hindi ako mahilig magbasa. Hindi ako kagaya mong uod ng libro kaya ikwento mo na lang saakin ang last update ng favorite novel mo," she murmured something but afterwards sighed and started to narrate the whole last updated chapter of the novel 'Loving Relentlessly'.



Hihi. Di talaga ako matiis ng babaeng 'to.



Yung last updated chapter ay tungkol sa public execution ng kontrabida ng novel. I think her name was Amira. Ang babaeng gagawin ang lahat makuha lang ang gusto. Pero sa last part ng chapter, may dumating na naman na bagong kontrabida. Kaya sobrang sama ng itsura ni Sary habang nagkukwento.



I don't know why kung bakit adik na adik siya sa novel na 'yan, not only her, pati iba ko pang classmate. Cliche kaya ng story.



Yes, pinapa-kwento ko siya from the very start but I'm not really interested about the story kasi nga cliche.



Anyhow, nagegets ko naman yung plot ng kwento. The novel was all about a girl who is loving the fifth prince relentlessly.



Pero ang male lead ay pakipot, pabebe at manhid kaya hindi niya napapansin ang ginagawang pagpapapansin ng female lead hanggang sa you know.. napagod si female lead kakahabol kaya tumigil na lang, isa sa mga rason niya. The other one ay hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para kay male lead.



Tsaka, gusto narin niyang tigilan siya ni Amira sa pambubully. Ang kapatid niyang tinik sa kaniyang esophagus.



May gusto rin kasi ito sa fifth prince ng Arelon Empire na si Alastair.



Kaloka!



Kaya ang mga babaeng lumalapit at nagkakagusto sa prinsipe ay napapabalitaan na lang na lumpo na. And Lucy is not an exemption, ang female lead.



Pero syempre, maswerte parin si Lucy dahil hindi parin siya nilulumpo ng sariling kapatid. Takot lang nito sa mga magulang nila.



However, itong si male lead naman, saka lang nagkagusto kay Lucy nang tumigil na ang loka. Kaya ayun siya naman ang naghahabol.



Ang kaso, humaharang itong si Amira. Ginagawa nito ang lahat para lang hindi magkalapit ang dalawa sa isa't isa hanggang sa umabot na sa puntong muntik ng mamatay si Lucy.



Hindi ito pinalampas ng kanilang mga magulang, lalong lalo na ang mga magulang ng prinsipe. Gusto kasi ng mga ito si Lucy para kay Alas, kaya sobrang nagalit sila kay Amira nang mabalitaan ang nangyari.



Pinatawan si Amira ng public execution at walang ginawa ang ama niyang isang prime minister, dahil ito rin mismo, sinusuka na ang existence niya.



Nawala na ang tinik, pero may pumalit naman na hapdi. May dumating na bagong kontrabida.



Yahh! I'm not really interested about the story. Hihi.



Anyway, nawalan na ako ng gana. Wala na naman kasi akong kasabay umuwi dahil sinundo na ng jowa si Sary. Sana lahat. Kaya ito ako ngayon, lonely na naman.



Habang naglalakad papasok ng eskinita, shortcut pauwi ng bahay namin, hindi ko maiwasang maisip na ang lungkot pala ng buhay ni Amira. Yahh! Hindi talaga ako interesado sa novel pero naaawa ako kay Amira.



Hindi dahil magkatunog ang pangalan namin, naaawa ako sa kaniya dahil simula pagkabata pa lang ay hindi pa niya nararanasan ang salitang pagmamahal.



Suss! Kung magiging si Amira man ako, mas pipiliin ko na lang ang mag adventure kaysa sa maghabol sa mga taong walang pakiramdam.



Total, anak naman siya ng isang prime minister, mayaman. Manghingi na lang ng pera pangbaon habang nag-aadventure, para naman kahit papaano may ambag ang tatay niya sa buhay.



Pero dahil iyon ang papel niya, ang magdusa, wala na tayong magagawa.



Anyway, mukhang hindi na naman ako agad makakauwi nito sa bahay. May gang fight na naman kasi sa labasan ng eskinita kaya mahihirapan ako nito, baka madamay pa ako.



Tsaka tinatamad na din akong bumalik. Masyadong malayo kung sa kabilang kanto pa ako dadaan, tsaka nagaagaw dilim na. Sigurado din akong may gang fight din doon sa kabilang kanto.



Sa dami ba namang gangsters na mukhang goons dito sa barangay namin, imposibleng walang agawan ng teretoryo.



*BLAGG*



Napaatras ako sa gulat nang biglang may tumilapon na lalaki sa harap ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang papalapit na sa pwesto ko ang mga nag-aaway kaya dali dali akong pumasok sa loob ng isang basurahan at tinakpan ito. Malaki naman kaya nagkasya ako sa loob. Yun nga lang...



Agad kong tinakpan ang bibig at ilong nang malanghap ko ang mabangong amoy ng mga basura. Tngina.



Marunong naman akong makipaglaban dahil tinuturuan ako nila kuya at papa na parehong black belter pero shuta! Pagod ang utak at katawan ko ngayon dahil sa exam kanina kaya mas pinili kong magtago kaysa lumaban.



Madami din sila, siguro nasa mga forthy, kaya imposibleng hindi ako makakauwi ng walang pasa. I'm sure din na pag kauwi ko, sasalubong naman sa akin ang living armalite ng bahay, walang iba kundi si mama.



Pero shuta! Mali ata ang desisyon kong magtago sa basurahan. Puro pampers pala ang laman nito kaya nagsisimula na akong ma-suffocate. Nahihirapan din akong buksan ang basurahan dahil parang may nakadagan dito.



My ghad! Mamamatay na ata ako!



Napahawak ako sa dibdib dahil unti-unti na akong nawawalan ng hangin. Pinipilit ko paring buksan ang takip pero nanghihina na rin ako.



Hindi ko rin magawang sumigaw dahil sa oras na gagawin ko yun, malalanghap ko na naman si kamatayan.



Nanghihinang napasandal na lang ako sa tumpok ng pampers, total mamamatay na rin naman ako, why not makipagbonding muna sa mga tae.



Shuta!



Bigla kong naisip ang mga kagagahan ko noon sa buhay. Naalala kong itinago ko pala ang SpongeBob na brief ni kuya sa kisame. Hanggang ngayon hindi parin yun nahahanap ni kuya. Kamusta na kaya ang lagay ng brief na iyon?



Shuta! Nagawa ko pa talagang mag reminisce. Anyway, my vision started to get blurry. Umayos ako ng higa. Mukhang magiging kabaong ko na itong basurahan.



My lips quirked up. Panget naman ng cause of death ko. Mamamatay sa amoy ng shet.



Anyway, hindi na talaga ako makahinga, kaya.. see you in hell!



•••

ejim's note 🖇️:
Binago ko yung plot.
Yun lang. Hikhok. XD.

PS. Mahilig ako sa cliche. XD.

©EJ

The Runaway Villainess | Hiatus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon