The Eighteenth Chapter

474 29 1
                                    

GRACIA SANDOVAL
POINT OF VIEW😍
Narating namin ang isang abandonadong building. Kumakabog pa rin ang dibdib ko.
"Look, who's here? Andrew, masyado ka Naman knight in shining armor sa kanya. Hindi ka pa rin niya pinipili,"i guess she's Amore.

Wala akong maipintas dahil maganda naman nito. Akala ko kasi ang makakaharap ko ay yung tipong kontrabida talaga itsura pero simple lang ayos nito.

"Ibigay mo na sa akin si Mommy."

"Uh-uh, not so fast darling."

Marami akong nakitang bantay nito. Nagsisimula na akong mainis dito. Ano pa ba hinihintay niya?

"Oh my God! His here. Another knight."
Napalingon ako dito. Its Antoniel with Monika I think.

"My dearest sister, I'm glad you'll be able to spare time for me."

"Itigil mo na 'to. I know it's just a mistake. Mas pinili akong mahalin ni Toni noon, and for now, she's choosing Gracia."

"That's bullshit!! Kung noon, ikaw ang pinili niya pero ngayon mag-iiba ang takbo ng kwento. Kung hindi man siya maging akin, I'll make sure no one will get him." Sumenyas ito sa isang tauhan niya para siguro kunin si mommy. Hindi nga ako nagkamali.

Gulong-gulo ang buhok nito at may tali sa kamay. My poor mother.

"Okay lang po kayo mommy?!"

"Oo anak."

"Tell me, Gracia, how does it feel if you lose someone, like dying in front of your eyes?"

"Please, tama na. Siguro, maling tao lang ang minahal mo. Nakalaan siya sa iba. May darating na lalaki para sayo."

"Really?! I sacrificed my love for him when my dearest twin sister became his girlfriend. And when they broke up, I'm rejoicing for it! But after two years I badly wanted him but he chose you. Ano ba meron sayo?! Your just a woman that unable to run her family business. While me, I'm the most successful one."

"It's because, I love her. Wala na dapat siya patunayan."

Tinutukan nito si mommy. Naiiyak na ang kapatid ko. "Not our mom. Maawa ka sa kanya."

Niyakap ko ito upang pakalmahin. Natigilan ako ng may naramdaman akong masakit sa likod ko. Biglang nagdilim ang paningin ko pero may narinig pa akong boses. "Gracia,maam,gumising ka." Hanggang sa wala na akong narinig.

Nagising ako sa isang puro puti ang makikita. Patay na ba ako?

"Gising na siya kuya." Sa tingin ko boses yun ni Gift. May kamay na humawak sa akin. Tiningnan ko ito. Si Antoniel.

"Ma'am, kumusta pakiramdam mo?"

"Okay lang,"sabi ko sa mahinang boses.

"What do you want?"

"Tubig,"bigla akong nakaramdam ng uhaw. Nagbukas siya ng mineral water.

"Upo ka ma'am,"dahan dahan akong inalalayan nito. At siya nagpainom sa akin. Halos maubos ko ang laman.

"Si mommy."

"Nasa police station siya ate. Kinakausap ng mga imbestigador."

Napanatag ako. I'm glad she's safe.

"How about Amore?"

May sumulpot na babae at nagsalita ito.

"Nakatakas siya. Ginawa niyang diversion ang pagkakabaril sayo." Sa palagay ko ito si Monika. Lumapit ito sa akin.

"I'm sorry for what happened to you. I will make sure that she will be caught soon."

Tumango ako sa sinabi nito. Sana nga tama siya. Gusto ko lang mabuhay ng tahimik.

"Ma'am, huwag ka na masyado nag-iisip. All you need to do is get well."

"Sir, pwede ba kitang makausap ng tayo lang," naiintindihan naman nila ako kaya lumabas sila.

Umupo ito sa tabi ko. Hindi pa rin bumibitaw sa kamay ko.
"Ano ba yung gusto mong sabihin?"

Inayos ko muna pagkakasandig ko bago magsalita. "Sa tingin ko, hindi na dapat pinapatagal, yung ano, pagsagot ko sayo, dahil sa marami na ding nangyayari."

"Ma'am, don't pressure yourself kaya ko pang maghintay."

"It's not being pressured sir. Gusto ko lang maging official tayo."

"Ikaw ang bahala."
Pagsang-ayon niya. Napangiti ako.

"So, it's a yes sir. I can't wait to have future with you."

I'm so excited to have life with him. I know his a good man and always there to save me.

"Yes! I love you so much." Sabay pugpog ng halik sa buong mukha ko. Grabe naman ang lokong ito.

"Don't shout, we are in the hospital." Nakakahiya ang lalaking 'to. Bumukas ang pinto at iniluwa si Mommy. Kasama din si Gift at Monika.

"May goodnews yata kayo?" Pang aasar ng kapatid ko. "Sinagot na niya ako."

"Oh, that's good news to hear Gracia and Toni." Si Monika naman ang nagsalita. Wala naman akong bitterness na nakita sa mukha niya. "Ganyan din mukha ng fiance ko when I said yes exactly the same expression."

"When is your wedding,"hindi ko maiwasang magtanong dito. Feeling close ako.

"Pag nakauwi na siya. His processing papers pa kase because of the pandemic."

************************

After 3 days nakalabas na din ako. Todo bantay si Toni sa akin. Kahit yata pag-ihi ko inaalam niya.

Malapit na din birthday ko sa October 28. 25 years old na din ako. Tumatanda na talaga ako. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Tumabi sa akin si Mommy.

"Di ba may misyon si Toni sa Cebu. Papayag ka ba umalis siya?"

"Mom, nalilito po ako. Hindi pa kase nahuhuli si Amore. Nakilala ko syang ganun ang trabaho, magiging selfish ako pag nagkataon."

Umakbay si Mommy sa akin at nagsalita."I'm here anak. I trust him that he will take care of you and your heart also. He loves you so much."

Sumandig ako sa balikat nito. I should trust and support him dahil yun ang tamang gawin. Kakayanin naman ito. Sigurado ako doon.

_________&&&_________

YAY! 7 CHAPTERS NALANG PO😍 KAYA KAPIT MGA MADAM/SIR.


HEY! Mr. Officer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon