Epilogue

1K 33 0
                                    

AUTHORS NOTE: HELLO EVERYONE! IM HERE AGAIN. Anyways, ang epilogue po natin ay third person POV dahil pagod na ang bida ... Ahihi...

****************************************
Naglalakad sa malawak na aisle si Gracia papunta sa naghihintay na groom niya. Matapos niya maipanganak ang panganay na babae ay doon nag-alok mismo nang kasal ito sa hospital kung sàan siya nanganak.

Tumutulo ang luha niya dulot ng saya dahil ikinasal sa taong pinakamamahal niya. Aksidente man o itinadhana ang kanilang pagkikita, masaya siya at kuntento. Ang naghatid sa kanya ay si Daniel,ang roommate ni Toni. Siguro kung nabubuhay ang kanyang ama ay masaya ito para sa kanya.

Sa paglalakad niya ay kitang-kita ang kasiyahan nang kanyang pamilya. Lalo na ang ina niyang umiiyak dulot ng kaligayahan. Umabot na sila sa altar. Para sa kanya wala nang atrasan. Ibinigay nj Daniel ang kamay niya sa kanyang future husband.

"Congrats bro. You've finally found your happiness."

"Thanks."

Lumuhod na silang dalawa at tiningnan ang isa't-isa na may pagmamahal.

"We are gathered today to witness the union of two souls,"pagsisimula nang pari.
"kung sinuman ang tumututol sa kasalang ay mangyaring magsalita o habang buhay nalang manahimik."
Ilang saglit ang lumipas walang nagsalita. Nakahinga nang maluwag si Gracia.

"Ikaw, Gracia Sandoval, tinatanggap mo ba na maging kabiyak si Antoniel Barrameda, sa hirap o ginhawa, sa sakit man o sa kalusugan?"

"Opo father."

"Ikaw naman Antoniel Barrameda, tinatanggap mo ba si Gracia Sandoval, bilang iyong kabiyak, sa hirap o ginhawa, sa sakit---,"pinutol ito ng binata.

"Opo father."

Ang pagsusuot ng wedding rings naman ang sumunod. Nauna dito ang dalaga. "Wear this ring as a sign of my love, honesty, and loyalty. Till death do us part." Isang matamis na ngiti ang ipinukol nila sa isa't -isa.

"Wear this ring as a sign of my love, honesty and loyalty. Till death do us part."

"Kayo ngayon ay ganap ng mag-asawa.Halikan mo na ang iyong asawa."

Itinaas nang binata ang kanyang belo. Isang halik na may pagmamahal ang iginawad sa kanyang misis. Napuno nang hiyawan ang simbahan.

Sa isang pribadong resort gaganapin ang reception nang kasal. Pagkatapos ng araw na yun ay naghoneymoon ang dalawa sa Cebu. Sagot ito ni Monika at Andrew dahil ito ang kanilang regalo kahit di nakadalo sa kasal.

Wala nang mahihiling pa si Gracia sa kanyang buhay dahil kuntento na siya. Bumili sila ng sariling bahay para sa kanilang lumalaking pamilya.

"Ma'am, what you wish for next year"?

"Maging malusog tayo palagi at magkakasama sa kabila nang hirap na pinagdaanan natin."

"For me, ma'am, I just want us to be happy and love each other."

"Hey! Mr. Officer, I love you so much."

"Hey Miss Violator, I love you too."

*****************************************

Their story is officially ending but I do hope you've got some lessons from it. Aside from that, keep safe and do follow the safety protocols.

Thank you ulit madam/sir!

And please do Support my other works, Taming His Heart!

HEY! Mr. Officer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon