'Mahulog', taya

49 0 0
                                    

Ang pagibig ay parang laro. Nagsisimula sa 'maiba'y-taya.' Tumatakbo hanggang sa mapagod. Nakikipaghabulan hanggang sa madapa. Nakakasakit. Nakakasugat. Pero masaya.

Parang habulan. Umaasa kang may matataya ka. Kagaya ng sa pagibig, makikipaghabulan ka talaga hanggang sa makataya ka, at umaasang pag nataya mo siya, hahabulin ka rin niya.

Parang piko. Pwede mong gamitin ang parehong paa mo para makatayo, makatalon sa ibang pwesto. Pero kadalasan kailangan mong isugal ang isang paa dahil hindi mo maaaring iaapak ang isa. Kung sa pagibig, kailangan mong magtiis, kailangan mong magsakripisyo.

Parang tumbang preso. Minsan hindi mo matantsa kung tama lang yung pagbato mo para patumbahin ang lata. Kung sa pagibig, hindi mo minsan matantsa kung anong tumama sayo at bigla mo na lang naramdaman na nagmamahal ka na pala.

Parang patintero. Dapat mabilis ka. Dapat mautak ka. Dapat hindi ka lang takbo ng takbo. Kailangan mo ring huminto at harapin ang mga humahadlang sayo.

Take a break munaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon