Bitiw

32 2 20
                                    

Marahil ay limot mo na

ang mga alaalang minsan

na natin magkasamang nalikha

sa imahinasyon, o kung hindi man doon

ay dito sa mundong ibaba

Marahil ay hindi mo na natatandaan

bawat titik ng awiting minsan nating  inawit

saliw sa himig ng damdamin

na hindi na natin nagawang pigilan

Marahil ay hindi na maibabalik muli

kung akin mang subukang ipaalala sa iyo

ang bawat memoryang natatago, natitira

buhat ng ikaw sa akin ay nawala

Marahil ay hindi na rin matutupad

lahat ng noon ay aking hiniling

iyong habang ikaw ay nahihimbing, 

iyong panahong ikaw ay sa akin

Kaya't ipauubaya ko na lamang

ang lahat ng pighati

dalhin na lamang sana ng hangin

sa kung saan, palayo sa akin

At siguro kung hindi man dito magtapos

o kung patuloy ka pa ring ibigin  ng lubos

ay babalikan ko ang tulang ito

at ipapalala sa aking sarili

kung bakit ito minsang nasulat

Kaya't kung nasaan ka man ngayon

hinihiling ko na lamang

ang iyong kasiyahan, lahat ng katuparan

sa iyong mga pangarap

Dinggin din sana

ng langit ang iyong mga hiling

at pati na rin ang akin

na sa pagdating ng panahon,

mga sugat ay maghihilom,

at ako ay makakalaya na rin.

--------

Hindi ko nasisiguro kung natatandaan mo pa ako. Matagal na rin buhat nung huli akong nakapagsulat ng tula. Salamat at napabalik ako dito. Salamat at napadaan ulit ako sa mga tula mo. 

Take a break munaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon