Ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko maipahayag sa pamamagitan ng mga salita. Nagtitipon sa aking isip lahat ng gusto kong iparating subalit pagod naman ang aking diwa na ilabas ang mga ito. Ang matinding kalungkutan ay nananaig sa akin ngayon at wala akong magawa para makaalis sa malumbay na mundong ito na pumapasaakin. Gusto ko nang makalaya. Gusto ko nang maging masaya muli.