Minsan pakiramdam mo kahit na parang nasayo na yung gusto mo, parang may kulang pa rin.
Minsan naiisip mo na gusto mong umiyak, pero wala kang mapagsabihan.
Minsan kahit galit na galit ka na at gusto mong magwala, wala ka namang magawa kasi ayaw mong mahalata.
Minsan gusto mo na lang tapusin ang lahat at iwanan ang mundong sa paningin mo ay inaapi ka ngunit minsa'y naging mabuti din naman sayo, pero naaalala mo ang mga taong mahal mo at mahal ka, na baka sa pag alis mo ay maramdaman din nila ang lungkot na siyang unang dahilan kung bakit ka aalis.
"Parang dilim na nagaabang. Wala mang kahihinatnan ngunit walang katapusan."