Minsan, napakagulo ng mga nangyayari.
Kani-kanina lang ang saya saya mo tapos ngayon bigla kang lungkot. Yung parang lahat ng ngiti mo bigla na lang nadala ng hangin pakung saan.
Hindi mo na mahanap.
Hindi mo na matagpuan.
Hindi mo na maisip.
Ano nga ba ang dahilan? Wala kang alam. Bigla na lang nagbago yung nararamdaman mo. Yung tipong may nagnakaw sa yo.