Sabi ko hindi ako mago-online, hindi ko napigilan.
Sabi ko hindi ako kakain, hindi ko napigilan.
Sabi ko hindi ako magpupuyat, hindi ko napigilan.
Sabi ko hindi ako mag-iisip, hindi ko napigilan.
Sabi ko hindi ako iiyak, hindi ko napigilan.
Sabi ko hindi ako mahuhulog, baka puwede pang remedyuhan.
At sabi ko hindi ako masasaktan, wala na. Nand'yan na yan. Hindi na napigilan.