Pighati

11 0 0
                                    

Noon, hindi ko minsan naisip kung paano kaya ang buhay ko kapag mag-isa na lang ako. Iyong wala akong nakakausap, walang nakakakwentuhan. Ni minsan ay hindi dumapo sa isip ko kung ano ang kahihinatnan ko ng mag-isa lang. Wala pa kasi akong napapansin sa buhay ko. Basta masaya ako at nakakatawa, okey na iyon. Basta nakikita at nakakausap ko ang aking mga kaibigan, ayos na. Pero ngayong dinala ako ng pagkakataon sa sitwasyong ito, na wala akong nakakasalamuhang masyado, na hindi ko na nakakausap iyong mga taong kinasanayan ko nang kausap, para bang ang laking bahagi pala sa sarili ko ang hindi ko binibigyang pansin. Sa ngayon, sobrang nalulungkot ako. Sobrang ang bigat ng pakiramdam ko na wala akong magawa kundi patapusin ang isang araw at hayaan lang ito na dumaan. Pakiramdam ko ay nasa isang isla ako na ako lang ang naroroon. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng nag-iisa. Sa araw ay bigla na lamang akong mapapatigil ng ilang sandali at mapapaisip kung bakit ito nangyayari. Sa gabi ay naiiyak ako sa aking sarili, sobra na akong nalulumbay. Hindi ko pala kaya ang mag-isa. Hindi ko pala kayang tapusin ang isang araw na hindi nakakausap iyong taong nagpapagaan ng aking loob at nagbibigay sa akin ng inspirasyon para harapin naman ang bukas. Mahirap pala talaga. Na sa pakiramdam ko ay ipinagkait na sa akin ng mundo ang karapatang maging masaya. Hindi ko pala talaga kaya ang mag-isa, kahit sanay na akong nabubuhay kasama lang ang aking sarili. Mahirap. Sobra sobrang mahirap. Nakakabaliw. Ngunit wala akong magawa.

Take a break munaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon