Pipiliin mo bang malaman ang katotohanan kahit alam mong masasaktan ka o mas gugustuhin mo na lang na wala kang alam dahil nagbubulagbulagan ka?
May mga taong naniniwala na mas hindi sila masasaktan pag hindi na lang nila inalam o haharapin ang katotohanan. Pero para sa akin, hindi yun magandang dahilan para makaiwas ka sa sakit ng pag ibig. Parang ginagawa mo lang tanga ang sarili mo kung magbubulagbulagan ka sa katotohanan at palaging maniniwala sa mga kasinungalingang alam mo namang kahit kailan eh hindi magiging totoo.