Umuusad..

96 1 0
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na hindi ka na nasasaktan gaya noon. Yung hindi ka na umiiyak sa tuwing naaalala mo ang mga nangyari, yung ngumingiti ka na lang pag naiisip mo yun. Hindi na 'mabigat' ang loob mo. Hindi na 'mahirap' para sayo ang ngumiti. Hindi na 'masakit' para sayo na makita 'siya'.

Ang naging dahilan ng pagiyak mo. 

Yung parang nabubuhay ka na ulit ng normal, kagaya noon. Nung hindi mo pa siya 'nakahulugan.' Kumbaga nagbalik na sayo ang 'saya'. Wala ng hinanakit. At ang lahat ng mga 'hinanakit' na yun ay naiwan na lang sa alaala. At ngayon, ang dala-dala mo na ay ang bagong inspirasyon mo. 

Ang 'saya' ng buhay.

Yung saya na nakukuha mo sa pagmomove on. Dahil ngayon nagsisimula ka na ulit.  At ang leksyon ng noon ay kasa-kasama mo, na nagpapaalala sayo na natuto ka na, 'ngayon,'

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marahil umuusad na rin ako ngayon. Salamat kay writer_kuno at sa dinedicate niya sakin. Yun ang naging isa sa mga inspirasyon ko para 'sabayan na ang mundo sa pagngiti nito sa akin.' 

Dedicated ulit sayo. Sana'y nagustuhan mo. :)

Take a break munaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon