Hanggang kailan mo balak saktan ang sarili mo sa isang taong hindi naman nakikita ang halaga mo? Hanggang kailan mo balak ipagpilitan ang sarili mo sa taong yun na palagi ka namang itinataboy palayo? Hanggang kailan mo balak pahirapan ang sarili mo? Hanggang sa matutunan ka rin niyang mahalin? Hanggang sa mahalin ka rin niya kagaya ng pagmamahal mo sa kanya? Pano kung di niya kaya? Pano kung di niya magawa?
Matuto kang matuto. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo.