Ignorance

9 0 0
                                    

May bagay na hindi mo talaga pinapansin kahit nasa harap mo lang. Para kasi sa'yo, wala namang kung ano 'yan eh. Basta nasa harap mo lang.

Darating ang oras, o minsan 'di sinasadyang mapapansin mo rin sa wakas ang bagay na 'yon.

Bigla ka na lang magugulat.

May kakaiba pala sa bagay na 'yon. Ang galing! Ang ganda! Bakit 'di mo agad napansin? Tsk!

Buti na lang napansin mo agad habang hindi  pa umaalis. Habang hindi pa nawawala. Kasi pihado, sasabihin mo sa sarili mo sa bandang huli,

"Sayang"

Minsan, o kadalasan, ganyan tayo 'di ba. May makikita tayo, 'yong tipong kakagatin na tayo sa sobrang lapit pero hindi pa rin nating gawing pansinin. Hanggang sa biglang may pwersang mag-uudyok sa'tin na tingnan o galawin ang bagay na 'yon. Hanggang sa may kung anong bilgang mangyayari sa bagay na 'yon na sa wakas ay makakapag-paisip sa'tin kung ano bang meron 'yon.

Salamat kasi hindi basta nauubos ang oras.

Alam mo, parang 'yang kanta eh. Maririnig mo kung saan-saan -- sa eskwelahan, habang nakasakay ka sa jeep, sa palengke, sa kapitbahay, sa mismong bahay niyo kasi kinakanta ng kapatid mo. Uy! Siguro sikat 'no? Pero wala kang pakielam.

Hanggang sa may napanood kang video. Narinig mo ang pamilyar na kanta. Na-curious ka. Hinanap mo. Pinangkinggan mo.

Boom!

Ang ganda pala!

Nakarelate ka. At dun na nagsimula.

Hanggang sa inulit-ulit mo. Hanggang sa nasanay ka nang pinakikinggan 'yon. Hanggang sa naging paborito mo na talaga.

Ang galing 'no? Parang dineadma mo lang nung isang linggo tapos ngayon, hindi mo na magawang pakawalan.

"You only appreciate one's worth unless you see its beauty."

Take a break munaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon