11

19 3 0
                                    

"Gala tayo!" Psyche.

"G ako!" Tanya.

"Hihiramin ko nalang ulit sasakyan ni erpats para di hassle." Eris.

"Ikaw Emjey?"

Napalingon ako sakanila ng tawagin nila ang pangalan ko.

"Ha?" wala sa sariling tanong ko.

Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay sabay na nagaalalang tumingin saakin.

"Emjey, ayos ka lang ba talaga? Nitong mga nakaraang araw lagi ka nalang lutang." Psyche.

Napailing naman ako agad at saka nagpaalam na magc cr lang.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng cr ay agd akong naghilamos. Tinitigan ko pa ang mukha ko sa salamin.

Mukhang masyado akong nag overthink sa nangyari samin nung Brixton na yun. Baka dahil dun ay bumaba ang grade ko nito.

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng cr. Kelangan kong ayusin ang sarili ko. Hindi dapat ako magpa apekto sa nangyaring yun. Kung kay Brixton wala lang yung nangyari na yun, dapat sakin din.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sakin si Tanya. Nakahalukipkip ito sa pader malapit sa pinto ng females comfort room.

"Nakapag isip isip kana ba?" tanong nito saakin.

Tumango ako sakanya ang ngumiti.

"Kelangan kong umayos para sa ikabubuti ko. Hindi na mahalaga sakin kung nakuha man nya pagka birhen ko. Ang mahalaga nalang sakin ngayon ay yung grades ko. Ayoko namang mapagiwanan nyo no." mahabang saad ko.

Natawa naman ito at saka tinapik ang balikat ko.

"Tama yan, wag ka papa apekto sa ganun." Tanya.

Sabay na kaming naglakad papasok sa room. Mula dito sa pwesto namin ay kita namin sina Eris at Psyche na nagtatawanan.

"Wala ka ba talagang balak balikan yang si Eris?" tanong ko.

"Aayusin ko muna ang buhay ko bago ko sya balikan. Kung meron pa kong babalikan." saad nya.

Patuloy lang kami sa paglalakad ng bigla syang huminto.

"Oh bakit? Malapit na tayo." saad ko.

"May tanong ako." Tanya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay, nagtatanong kung ano yun.

"Masarap ba?" tanong nya.

Nung una ay nagtataka pa ko at hindi alam ang ibig nyang sabihin. Pero nung mag sink in na saakin ay kaagad kong hinatak ang buhok nya.

Bastos talaga.

Tatawa tawa lang itong naglakad muli. Sumunod na lang rin ako dito pero hindi ko sya nilubayan ng sama ng tingin.

Mabilis lang rin lumipas ang oras ng klase kaya naman ngayon ay breaktime na.

Dito pa rin kami sa tambayan kakain ng snacks at paguusapan namin ang gala namin sa weekends.

Si Brixton ay nakakasalubong ko rin paminsan minsan pero hindi ko sya pinapansin pati ang mga tropa nya.

Madalas ko syang mahuli na nakatingin saakin pero hindi ko nalang pinagtutuunan ng pansin.

"Saan tayo gagala?" Psyche.

"Amusement park tayo!" Eris.

"Mag bar nalang tayo." Tanya.

"May pogi naman sa amusement park." saad ko.

"Ayoko sa amusement park, masyadong common." Psyche.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now