21

27 5 0
                                    

Pagkatapos ng exam namin ay napagpasyahan ng mama ni Eris na ipaghanda kami kaya ngayon ay papunta kami sa bahay nila.

Ang tagal pa bago ako payagan ni kuya, akala naman nya mare rape ako dun, e itong baklang Eris lang naman ang manyak sa bahay nila.

Walang halong biro.

"Hello mga magagandang dilag." nakangiting bati samin ng mama ni Eris.

Sya si tita Alora at ang asawa naman nya ay si tito Osca.

Mababait sila at hindi strikto katulad ng ibang magulang, hindi rin sila gaanong busy kaya palagi silang may time kay Eris.

"Maupo na kayo, kamusta ang exam?" tanong ni tita Alora.

"Kaka stress, ma." saad ni Eris.

Natawa naman ang mag asawa at agad naghanda ng makakain namin.

Sa aming magkakaibigan at si Psyche at Eris lang ang swerte sa pamilya, kaming dalawa ni Tanya ay ulila, ako ulilang lubos at sya naman ay ulila sa ama. Mama nalang nya ang mayroon sakanya, samantalang ako at si kuya nalang ang nagsisilbing magulang ko.

"Grabe, nakakahilo yung mga numbers sa math, nakakapagod mag aral." oa na saad ni Eris.

Agad ko naman itong binatukan kaya natawa ang lahat.

Masaya lang kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming sa bahay nalang maginuman para kasama si kuya. Paniguradong papagalitan ako nun pag umuwi kong amoy alak.

"Aalis na po kami, tita. Salamat po sa foods and chikas." paalam naman ni Psyche.

Pagkatapos namin mag paalam ay dumiretso na kami sa bahay.

Pagkadating namin ay maingay sa loob ng bahay, para may party din ata dito.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang makukulay na ilaw at amoy ng alak, lahat ng tropa ni kuya ay nandito pati narin ng diablo.

Agad ko namang naagaw ang atensyon ng mga ito, nagtataka pang tumingin sakin si kuya.

"Akala ko ba kina Psyche ka ulit matutulog." takang saad nito.

"Sabi ko sayo uuwi ako, pero okay lang tuloy nyo lang, dun lang kami sa kwarto ko." saad ko.

Tumango naman ito, mukhang lasing na ang kuya ko kaya ang dali nyang pumayag.

Napatingin pa ko sa diablo ng mapadaan ako sa harapan nya, seryoso itong nakatingin sakin habang prenteng nakaupo at may hawak na alak.

Hindi ko nalang ito pinansin at dire diretsong umakyat papuntang kwarto.

"Gusto ko tuloy mag stay nalang dun, ang daming bebeboys." natatawang saad ni Tanya.

"Gago kinabahan nga ko e, akala ko susuntukin ako ng kuya ni Emjey." saad naman ni Eris.

"Buti naman walang babae, magwawala talaga ako kapag may ibang babae dito." saad naman ni Psyche.

"Hay, tama na nga yan. Asan na ba yung beer? Arat inuman na!" saad ni Eris.

Agad ko namang kinuha sa bag ko yung beer at si Tanya namn ay nilabas yung mga pulutan sa bag nya.

"Nays nays, teka pano pag nabitin tayo?" Eris.

"Edi kuha tayo sa baba, mas masarap ata iniinom nila." Tanya.

"Sasabihin ko nalang kay Pierce na hihingi tayo." Psyche.

"Hindi ka bibigyan ni kuya, killjoy yun e." saad ko kaya naman napasimangot sya.

"Ako nalang, isang halik ko lang sakanila bibigyan agad nila ako." saad naman ni Tanya.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now