27

25 5 0
                                    

"Putangina mo talaga Eris!"

Nasa labas palang kami ng bahay nila Eris ay dinig na dinig na namin ang bunganga ni Tanya. Mag wawalong buwan na ang tiyan nito, sa bahay na sya nagpatuloy mag aral dahil hindi sya pwedeng pumasok sa school, bawal sya ma stress sa bullies at maselan din ang pagbubuntis nya.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging maayos naman, away bati parin si kuya ay Psyche, kami naman ni Brixton ay officially mag jowa na.

Panes ako may jowa ikaw wala.

Nang makapasok kami sa bahay nila ay may lumilipad na tsinelas galing sa hagdan. Wow.

"Ang gulo nyo namang mag asawa! Ang kalat kalat nyo pa!" sigaw ni Psyche.

Last last month silang ikinasal, hinintay munang mag birthday si Tanya at saka sila nagpakasal na dalawa.

"Oh? Emjey, Psyche tuloy kayo, pagpasensyahan nyo na ang dalawang yun, ganyan talaga sila araw araw." natatawang saad ni tita Alora.

May bitbit itong isang tray ng home made pizza kaya naman agad akong natakam.

"Hey, kayong dalawa kumain na kayo dito! Tanya hija may pizza dito!" pagtawag ni tita sa mag asawa.

Parang hindi sila mag asawa, para silang magkapatid lang.

Agad naman sumunod ang dalawa kay tita Alora at sabay sabay kaming kumain.

"Kailan ang due date mo?" tanong ko rito.

"Last week of March daw." sagot naman nito.

"Ano naman ipapangalan mo dyan? For sure sobrang cute nyan paglabas, wag lang maging kamukha ni Eris." natatawang sabi naman ni Psyche.

Kahit hindi kay Eris ang bata ay tinuring na talaga ni Eris na kanya ang bata na dinadala ni Tanya. Si Eris din naman ang laging nakikita ni Tanya kaya malamang talaga na maging kamukha ni Eris ang anak nya.

"Elveo Twaine, ganda no? Pinag isipan ko talagang mabuti yang angalan na yan." pagmamalaking sabi ni Eris.

"Ang kapal ng mukha mo, ako nag isip ng pangalan nya." galit na saad ni Tanya.

Kapag talaga buntis napaka moody.

"Patapos na klase natin, ang bilis ng panahon." saad naman ni Psyche.

"Ampota parang ang tanda naman na natin kapag sinasabi mo yan." Eris.

"Bakit hindi ba? Matanda kana tanga." Psyche.

"Shh, language." tita Alora.

"Yan kasi ang iingay nyo." saad ko.

"Nga pala, pano pag nanganak kana? Dito parin kayo titira?" tanong ko rito.

"Mag pinagawang bahay sila mama malapit lang sa dito para pag may klase na ulit madali nalang namin maihahatid dito yung bata." Eris.

"Planadong planado talaga ah." ngising saad ko.

"Syempre naman, ako pa." Eris.

Natapos kaming magmeryenda at ngayon ay nandito naman kami sa mall para mamili ng mga damit para sa baby, kasama na namin si kuya at Brixton na ngayon ay tahimik lang.

"Mas okay to, ano sa tingin mo Emjey?" tanong ni tanya habang pinapakita sakin ang cute na kulay blue over all na damit.

"Yeah, ang ganda nang pagka blue nya." saad ko rito.

Mas okay sana kung puti ang isusuot ng bata pero baka magwala sya dito at umiyak kasi hindi nakuha ang gusto. Mga buntis nga naman.

"Ang sarap mamili ng mga damit ng baby, parang gusto ko na tuloy magka baby." wala sa sariling saad ni Psyche.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now