22

18 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko hawak ang phone ko. Kanina ko pa hinihintay ang tawag nya pero hanggang ngayon ay wala parin.

Kawawa naman ako, pinag aantay nya ako ng matagal.

Hindi ko inaalis ang tingin ko sa phone ko, tinitingnan ko pa ito ng masama na para bang pag ganito ng tingin ko dito ay may tatawag sakin.

At tama nga ako, nag ring ng phone ko pero agad akong nadismaya nang makita ko na hindi sya ang tumatawag sa akin.

"Oh?" inis na sagot ko.

"Lah, tangina wala pa nga akong sinasabi galit kana agad." saad ni Eris sa kabilang linya.

"Ano ba yun?" tanong ko pa habang kunot na kunot ang noo ko.

"Gala tayo!" masayang aya nya.

Agad naman akong napatigil at agad na nag isip ng idadahilan ko sakanila.

"A-ah hehe, hindi ako pwede ngayon." saad ko nalang.

Utang na loob ayoko sumama.

"Aywow, wag kana tumanggi tara na!" pagpilit nya pa kaya naman napahinga nalang ako ng malalim.

"Oo nga tara na! Pinaalam kita kay Pierce!" dinig ko pang saad ni Psyche sa kabilang linya.

Mukhang hindi ako titigilan ng mga ito kaya pumayag nalang ako.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko pagkasakay ng kotse.

"Basta, masaya dun." saad naman ng putanginang Eris.

Mahaba haba ang tinagal ng byahe, Bulacan kami at Laguna naman ang pupuntahan namin. Mahigit apat na oras din kaming nasa byahe bago kami makarating sa isang Hot Spring Resort dito sa Calamba, Laguna.

Pagod kaming lahat ng makapasok kami sa mga kwarto namin. Anim ang kwarto dito kaya naman isa isa kami ng pinasukang kwarto. Hind na namin kailangan mag hati sa iisang kwarto ngayon.

Hindi ko alam na outing pala ang balak nila, shuta naman.

Habang nag aayos ng gamit ay biglang nag ring ang phone ko. Agad akong napangiti ng makita ko ang caller.

"Nasan ka?" bungad nya.

"Nasa Resort kami dito sa Laguna, pinilit akong pasamahin ng tatlong ugok na yun." saad ko.

Dinig ko namang natawa ito.

"We plan to go there also but the manager said someone had already made a reservation so hindi kami natuloy. I also plan to include you pero nandyan kana rin pala." saad nito.

Natatawa talaga ako pag nagtatagalog sya, madalas pa syang mabulol.

"So, ano nang plan nyo ngayon?" tanong ko.

"We're going there, we called Eris earlier." saad nya.

Agad naman akong napangiti ng malawak nang marinig iyon sakanya.

Hindi rin nagtagal ay ibinaba na nya ang tawag. Hintayin nalang daw namin sila.

"Emjey! Tara! Nandyan na sila Pierce!" excited na saad ni Psyche na animo'y ngayon lang ulit sila magkikita ni kuya.

Kala mo sampung taong hindi nagkita e.

"Oo na." inis na saad ko at sumunod sakanya sa gate ng resort.

Natanaw ko naman agad sila kuya kaya naman agad akong natuwa at patakbong sumunod sakanila.

Nakangiti akong sinalubong sila kaya naman nagtataka ang ibang kasama nila kuya.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now