03

34 6 0
                                    

"Paano mo nasabing si Emjey ang type?" pakiki chismis ni Psyche kay Tanya, animo'y wala ako rito.

Hay ano pa bang aasahan ko sakanila.

"Huy ano pinaguusapan nyo?" dumagdag pa tong si Eris, "Spill the tea!" saad pa nya.

Nagchismisan lang sila dun at natigil lang nang dumating ang teacher namin sa History. Nakakaantok ang klase na nato pero kelangan ko makinig dahil kapag natripan na naman ni kuya na magtanong saken ay may maisagot ako sakanya.

"Gago nakakatakot yung lalaki kanina." rinig kong sabi nung nasa kabilang row. Puro lalaki to kaya naman malalakas ang boses nila.

Di ko sure kung anong pinaguusapan nila.

"May chismis ako mga mare!" Eris habang papalapit samen.

Aalis na sana ako ng biglang may humatak sakin paupo. Pagtingin ko ay si Tanya pala.

"Wala kong interes dyan gago." saad ko

"Makinig tayo." Psyche

Napailing nalang ako dahil sa kalokohan nilang dalawa. Bakit ba wala ko sa mood? Sinasabi ko na nga ba, kapag nakikita ko talaga ang lalaking yun nawawala ako sa mood.

Bwiset.

"Ano na tangina mo sinasayang mo oras namen." Tanya

"Kase ganto yan, may rambol kanina sa tambayan, amputs katakot daw yung lalaki kanina, inupakan tropa naten mga pre gago." nanlalaki pa ang butas ng ilong nya habang nagku kwento sya.

"Asan na yung inupakan?" tanong ko

"Ayun deads na." prenteng sagot nya

Napasinghap naman kami sa gulat pero sya ay natawa lang.

"Kidding!" saad pa nito habang naka peace sign, "Nasa guidance sila ngayon, actually andun yung ibang estudyante. Balita ko nga transferee lang yung nambugbog." dagdag pa nya.

Malakas ang loob ng isang yun ah.

Tumayo ako at nag inat bago kunin ang gamit ko.

"Arat cutting." saad ko kaya napangisi sila.

Mga demonyo.

"Yown! Nakaisip ka rin ng maganda Emjey!" pasigaw na saad ni Psyche.

"Tanga sa susunod na subject lang tayo mag cut, babalik rin tayo pagkatapos ng next class." paliwanag ko

Naglakad na kame palabas pero sa kabilang hagdan kame dumaan kung saan hindi dumadaan yung mga teacher.

"Napaka demonyo mo Emjey!" ani Psyche habang tumatawa.

Tumatakbo kami ngayon pababa ng hagdan kase, ewan ko rin.

"Gago ba't tayo tumatakbo?" tanong ko.

"Oo nga no." Pansin ni Eris sabay tawa.

Agad naman kaming napatigil at hingal na hingal na nakahawak sa mga tuhod namin.

"Ah kingina mo Emjey ang sakit ng paa ko." reklamo ni Tanya.

"Heels pa, kaartehan mo kase." pang iinis naman ni Eris.

"Shut nga kayo baka mamaya kayo pa ulit magkainlove an dyan, yieeee." Psyche.

Natawa ako sa sinabi nya, bwiset na to.

"Emjey, yung guy ulit oh." Psyche.

"Actually di ko talaga gets ba't lagi nyong napapansin yung lalaki na yun e, ano bang meron?" Eris.

"Agree ako." Tanya.

"Kase etong magaling nating kaibigan ay tinapunan ng juice si pogi, ayun." bobong paliwanag ni Psyche.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now