18

22 5 0
                                    

"Emjey, sabi ni mommy sa bahay ka daw dumiretso pag uwi, sunduin nya tayo, ipaalam nalang kita kay Pierce." Psyche.

Hindi talaga ako sanay na Pierce nalang ang tawag nya kay kuya, feeling ko tuloy dapat ko na rin syang tawaging ate.

Tumango nalang ako atsaka nagpatuloy maglakad, hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa gate ng may biglang tumapon na tubig na sobrang lagkit sakin, as in sobrang lagkit tapos kulay puti.

Sa gulat ko ay hindi agad ako naka react ganun din si Psyche, may mga estudyanteng tumatawa at meron namang mga estudyante na kumaripas ng takbo upang kumuha ng pamunas o ano.

Nang makabawi ako sa gulat ay agad ako tumingin sa paligid at ng makita ko ang hinahanap ng mata ko ay agad ako tumakbo patungo sa direksyon nya, nakita ko pa itong naglakad palayo sa pwesto nya.

"Emjey!" pagtawag pa sakin nila Psyche pero hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo para mahabol ang diablong gumawa sakin nito.

Naglalayuan sakin ang ibang estudyante dahil sa itsura ko.

Nakakadiri ang itsura ko ngayon at dahil yun sa putanginang Brixton na yun.

Pati si kuya ay narinig ko na tinawag ako pero hindi ako natinang sa pagtakbo.

Masapak ko lang talaga si Brix masaya na ko.

Nang makarating ako sa kaninang pwesto nya ay agad ko syang hinanap.

"Maganda ba surprise ko?" dinig kong saad ng diablo.

Fuck you.

"Oo naman, sobrang ganda nga." sarkastiko kong saad at saka ngumiti ng peke, ganun rin sya.

Hindi nako nag sayang ng oras at agad syang nilapitan pero hindi pa ko tuluyang nakakalapit ay may pumigil na sakin.

"Tama na yan." si kuya Pierce.

Nang lumingon ako sakanila ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nakakapit sa tuhod nila at hingal na hingal dahil sa pagtakbo.

"Mr. Madrigal at Ms. Javier, to the guidance office, now!" umalingawngaw ang boses ng principal namin kaya naman nagulat kami.

Pigil ang luha ko ng tumingin ako kay Brixton. Wala lang itong reaksyon at mas natutuwa pa sya dahil sa itsura ko.

Putangina mo may araw ka rin sakin.

"Anong ginagawa nyo sa buhay nyo? Ikaw Ms. Javier, I'm so disappointed on you, hindi ka dapat nasasangkot sa gantong gulo lalo na top student ka!" sermon ng Dean namin.

Tahimik lang kaming nakikinig sakanya at kapwa mga nakayuko.

Hindi kami pwedeng sumagot dahil mas mapapahamak lang kami.

Nang matapos ang sermon ng Dean ay pinalabas na kami, ngayon ay paniguradong sermon naman ni kuya ang maririnig ko.

"Maligo at magpalit ka muna, eto ang damit. Walang extrang damit si Psyche kaya yung akin nalang muna." saad ni kuya at inihatid ako sa restroom.

Pagpasok ko at saka lang sunod sunod na tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha. Alam kong hindi ko deserve to.

Habang naliligo ako ay umiiyak ako, hindi naman ako ganto ka emotional, siguro ay sa pagod ko na.

Matapos kong maligo at magpalit ay lumabas na din ako, inayos ko muna ang itsura ko bago ako tuluyang lumabas. Naabutan ko pa si Tanya at Psyche sa labas ng restroom.

Bakas sa mukha nila ang awa at guilt dahil sa wala silang nagawa kanina.

Nginitian ko lang sila at saka inaya na pumasok na.

Wala naman masyadong nangyari buong araw, wala ding nang bully sakin dahil sa nangyari.

"Sumosobra na yung Brix na yun Emjey." Tanya.

"Oo nga, tangina wala man lang akong magawa kanina." Eris.

"Pati si Pierce walang nagawa, pero napigilan ka nyang gumawa ng mas ikakasama mo." Psyche.

"Okay na ko, hayaan nyo na, baka hindi nalang ako pumasok muna bukas. Masama din ang pakiramdam ko." saad ko.

"Kulang lang yan sa yosi." ani Eris.

Natawa naman ako, oo nga no.

"Oo nga parang napapansin ko hindi na kayo naninigarilyo ni Psyche?" Tanya.

"Ako nag quit na talaga ako kaya nga punong puno ng candy yung bag ko palagi." Psyche.

"Hindi ko napansin na hindi na pala ako naninigarilyo." saad ko naman.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa napagpasyahan nila na umuwi na. Sinamahan nila ako pauwi dito sa bahay, nagaalala daw kase sila sakin kaya naman pumayag na ko.

Si Psyche naman ay susunduin ng mama nya, naalala ko din na doon ako pinapatulog ng mama nya kaya naghanda ako ng damit na dadalhin ko.

"Naipaalam na kita kay Pierce." Psyche.

"Pag ganyan ang tawag mo kay kuya parang feeling ko dapat na rin kitang tawaging ate." pagbibiro ko.

Agad ako nitong binato ng unan kaya naman natawa ako.

Tinulungan ako nito sa mga damit na inaayos ko, hindi naman ako magtatagal din kaya pang isang araw lang damit lang ang dinala ko, tsaka may mga damit pa din ko dun kaya hindi ako nagdala ng marami.

"Nandyan na si mommy, tara na." Psyche.

"Love, alis na kami, ingat ka dito." dinig ko pang paalam ni Psyche kay kuya.

Ew.

"Kadiri ka." bulong ko rito.

Agad naman itong namula at hinampas ako.

"Ano ba wag ka magulo tangina mo." saad nito kaya naman natawa ako.

"Hi Emjey, namiss kita." nakangiting bungad sakin ni tita Porsia, mommy ni Psyche.

"I missed you too, tita." saad ko pagkasakay sa sasakyan.

Nagkwentuhan kami habang nasa byahe, as usual si Psyche parin ang pinaka maingay samin.

"Nga pala, nabibisita nyo ba ang mommy at daddy nyo sa sementeryo?" tanong ni tita.

"Hindi po masyado kasi nagiging busy rin po si kuya." saad ko.

"Nako malulungkot yun, mumultuhin kayo nun." pagbibiro nya pa kaya naman natawa ako.

Sana nga multuhin nila kami, gusto ko na rin sila makita hehe.

"Sana nga po." saad ko, ngumiti lang si tita at nagpatuloy na nagmaneho.

Nang makarating kami sa bahay nila ay sinalubong kami ni tito Adrien, daddy ni Psyche.

Agad nya kaming niyakap ni Psyche kaya naman natuwa kami.

Ang sweet talaga ng daddy nya.

"Ang kuya mo? Bakit hindi nyo sinama?" tanong pa ni tito.

"Masyadong busy si kuya Pierce, alam nyo naman yun, puro aral ang nasa isip." saad ko naman.

Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Wala pa bang nobya ang kuya mo? Tumatanda na sya, dapat ay may nobya na sya." saad nito.

At tila nasamid naman itong katabi ko kaya nagpaalam na dadalhin ang gamit ko sa kwarto nya.

"Are you okay, sweetheart?" tanong pa ni tito.

Pigil ang tawa ko dahil sa reaksyon nya.

"Yeah dad, don't worry about me." saad nya at saka nagmamadaling umakyat papuntang kwarto nya.

"Kamusta nga pala kayo ng kuya mo? Binisita namin ang mommy at daddy nyo sa sementeryo nung nakaraan." tito Adrien.

"Ah oo nga po, nasabi sakin ni tita Porsia." saad ko.

"Namimiss na kayo nun panigurado." saad nito.

Napangiti naman ako.

Namimiss ko na rin sila sobra.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now