13

17 4 0
                                    

"Sa totoo lang kinikilig talaga ako sainyong dalawa, omg!" may kasama pang pagtili na saad ni Psyche.

"Nakakarindi ka kanina kapa." inis na saad ko.

Kanina pa sya ganyan, sila kuya naka move on na sa sinabing yun ni Brix pero sya hanggang ngayon ay pinapaalala parin nya.

"Eh sa kinikilig ako e. Umaasenso ang ganda mo Emjey ah." Psyche.

"Hala ganda yan?" pang aasar naman ni Eris.

"Ulul." saad ko nalang at saka lumangoy papalayo sakanila.

Halos isang oras na rin kaming nasa pool. Nilalamig na rin ako.

Si Tanya naman ay hindi ko na mahagilap, paniguradong nakabingwit na naman yun ng lalaki.

Nang makaahon ako sa pool ay agad akong pumunta sa mga pagkain sa lamesa. Kumuha ako ng kaunting pagkain at inumin.

Maayos lang akong kumakain ng biglang lunapit sa akin si Tanya. Iba na ang damit nya kanina sa ngayon.

"Hard ba?" tanong ko nang makaupo na sya.

Ngumisi lang sya at agad na tumingin sa phone nya na nagsilbing salamin. Inayos nya ang lipstick nya pati ang kanyang buhok.

"Anong ganap dito?" tanong nya.

"Wala naman, panay asar parin sila Psyche." saad ko lang at nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi marunong humalik yung mga tropa ni Brix." saad nya.

"Natikman mo na ba lahat?" tanong ko na ikinatawa nya.

Nagkibit balikat lang sya at nagpaalam na kukuha ng pagkain.

Hindi rin nagtagal ay umahon na rin sina Eris at Psyche para kumain.

"Magiinuman kaya tayo ngayon?" Eris.

"Bawal ako." saad ko.

"Bawal rin ako." Psyche.

"Bakit?" tanong ko agad.

"B-baka isumbong ako ni kuya Pierce kila mom.. hehe." saad nya.

Pinaningkitan ko sya ng tingin at alangan lang syang ngumiti saakin.

Hindi kaya sila na ni kuya at hindi lang sila nagsasabi saakin?

"May hindi ka sinasabi sakin." saad ko.

Alangan syang tumingin saakin.

"A-ano.. hehe." Psyche.

"Kingina mo." saad ko nalang at saka sya tinalikuran.

Magmamatigas pa sana ako nang maalala ko yung nangyari samin ni Brix.

Alam ko sa sarili ko na hindi lang si Psyche yung nangtatago ng sikreto.

Patuloy lang ako sa paglalakad papasok sa kwarto namin ng may mabangga ako. Pagtingin ko dun ay agad na nag init ang ulo ko. Palagi nalang na sya yung nakikita ko. Nakakainis.

"Sorry." saad ko nalang at akmang lalakad na papalayo sakanya ng hawakan nya ang braso ko.

"Hey, anong problema?" tanong nya.

"Wala kang pake." saad ko at saka tinabig ang kamay nya.

Akala ko ay titigilan na nya ko pero hanggang kwarto ay nakasunod pa rin sya sakin.

Bwiset talaga.

"Ano ba?" tanong ko.

"May problema ka, spill it." prenteng saad nya lang.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now