01

74 6 1
                                    

CHAPTER 1

"Emjey!"

'Ah! Bunganga ng kuya ko nakakarindi!' sigaw ko sa isip ko.

Pinilit kong bumangon kahit ayaw pa ng katawan at kama ko.

Hay, maghihiwalay na naman kayo, hayaan nyo't mamaya ay susulitin kong pagsamahin ulit kayong dalawa.

Inis akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang magawa ko ang dapat kong gawin sa banyo ay bumaba na 'ko para harapin ang kuya kong kulang nalang ay mapatid ang ugat sa kakasigaw niya ng maganda kong pangalan.

"Good morning kuya!" sarkastiko kong bati sakaniya ng makababa ako.

Agad namang sumama ang pagmumukha nito ng maramdaman ang pagiging sarcastic ko.

"Walang good sa morning ko." malamig nitong sabi.

Sanay na 'ko dyan, lagi namang ganiyan ang timpla nyan.

Matabang na malamig pa.

"Ang seryoso mo naman." halos pabulong at mamaos maos kong sabi.

Sinuklian lang niya ako ng isang matinding matalim na titig bago tumayo at pumasok sa kwarto niya.

Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

Wala na kaming magulang ni kuya Pierce.

Namatay sila nung 14 years old ako. Si kuya na ang nag alaga sakin simula nung mawala sila mommy at daddy. Namatay sila noon sa isang gathering, nakita nalang silang walang buhay sa isa sa mga kwarto doon tulad ng iba pang nasa pinangyarihan.

Matanda sakin ang kuya ko ng tatlong taon, 17 years old ako samantalang siya ay 20 years old na, 2nd year college na siya at ako ay grade 11 palang.

Tumigil kami ni kuya ng isang taon dahil sa pagkamatay ng parents namin. May katalinuhan ang Kuya ko kaya sya ang gumagabay sakin sa mga hindi ko maintindihang lessons.

PolSci ang kukunin niya at ako naman ay balak kong mag Medicine.

Ang tataas ng pangarap namin 'no? Syempre kailangang lubos lubusin ang biyaya na ibinigay sa'min. Mayroon kaming sponsor kaya dapat ay i-maintain namin ang mataas naming grades para hindi mag back out ang sponsor namin

Nang matapos akong kumain ay pumasok narin ako sa kwarto ko at nag ayos na para sa pagpasok.

Pareho kami ni kuya ng pinapasukan, kung hindi niyo naitatanong ay sikat kaming dalawa ng kuya ko sa school na pinapasukan namin.

Marami akong ginagawang kalokohan sa school.

Hindi naman nalalaman ng sponsor namin dahil sa mas pabor sakin ang mga students sa school, lalo na yung dean, loves ako nya hehe.

Hindi naman sa sipsip pero parang ganoon narin.

Hindi alam ni kuya ang mga kalokohan ko. Malayo layo naman ang building nila sa'ming highschool kaya hindi niya ko masyadong napapansin, busy kasi masyado yun si kuya, medyo nagtatampo na nga ako sakaniya dahil wala na siyang oras sa'kin.

Nang matapos mag ayos ay bumaba na agad ako. Malamang na manggagalaiti na naman sa galit yun kapag tumagal pa 'ko.

Agad ko siyang nakita sa labas, nakasandal siya sa kotse niyang bagong bigay.

Sa dami ng tropang mayayaman nitong si kuya ay hindi na 'ko magtataka kung bigyan siya nito ng mga mamahaling gamit kagaya nalang ng kotse niya ngayon.

Umalis siya sa pagkakasandal ng makita ako at nakabusangot na pumasok sa loob ng sasakyan kaya dali dali akong naglakad patungo rito at sumakay.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now