24

16 3 0
                                    

"Ano bang nangyari? Tsaka sa tagal mong nakikipagtalik sa iba't ibang lalaki hindi ka naman nabuntis Tanya." pagsermon ko sakanya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, buti nalang at wala ang mama nya kaya nakakapag usap kami ng maayos.

"B-baka hindi na muna ako pumasok." nakayukong saad nya.

"Ilang weeks na ba yan?" tanong ko.

"2 weeks palang." saad nito.

"Dugo palang yan, hindi pa halata sa tiyan mo at saka sa ika tatlong buwan na pagbubuntis kapa mag uumpisang maglihi kaya makakapasok kapa ng school." saad ko rito.

"Nahihiya ako." Tanya.

Napabuntong hininga ako at saka umupo sa tabi nya.

"Look, kung uunahin mo yang hiya mo ay walang mangyayari sa buhay mo, kapag alam nating umuumbok na yang tiyan mo ipapaalam natin sa Dean na kung pwede ay mag home study ka nalang muna, sasabihin natin yung totoong dahilan para payagan ka nya. Magtiwala lang tayo sa Dean." saad ko pa.

Tumango nalang ito at hindi na muling nagsalita, tahimik lang ito habang pinaglalaruan ang mga kamay nya.

"Nga pala," napalingon ito sakin ng magsalita ako.

"Sino ang ama nyang dinadala mo?" tanong ko.

Muling lumungkot ang mukha nya kaya naman agad akong nagsisisi dahil tinanong ko pa yun.

"Hindi ko alam, sa dami nang nakatalik ko ay hindi ko na alam kung sinong nakadali sakin." natatawang saad nito ngunit may mga luhang tumulo mula sa mata nya na agad nyang pinunasan gamit ang kamay nya.

May punto sya, sa dami nang nakatalik nya ay hindi mo na talaga malalaman kung sino ang ama, wala na syang magagawa kundi buhayin ang bata ng sya lang mag isa.

Nandito naman kaming mga kaibigan nya, pero hindi oras oras ay makakasama nya kami.

Nagstay muna ako sakanila ng isang gabi, sasamahan ko muna sya dito sakanila, mahirap na pag iniwan ko to.

"Magluluto ako, may mga iluluto ba dito sainyo?" tanong ko.

"Wala, hindi nag iwan si Mama." saad nito.

Napabuntong hininga ako atsaka pumunta sa malapit na tindahan. Wala rin silang bigas kaya bumili na rin ako.

Mahirap talaga ang buhay nila, sa totoo lang ngayon lang ako nakapag stay sakanila ng matagal, dati kasi ay puro daan daan lang kami lalo na pag hinahatid namin siya.

Matapos kong bumili ay agad rin akong bumalik sa bahay nila, cornbeaf lang ang nabili ko sa tindahan pero ayos na rin to.

"Tara na, kumain na tayo." pag aya ko rito.

Agad naman itong sumunod sakin at kumain.

Tahimik lang kaming kumakain at tanging mga kubyertos lang ang maingy. Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa kwarto nya at nag ayos ng higaan nya.

"Bukas ay pumasok ka parin, ayusin mo ang sarili mo. Palagi lang akong nasa tabi mo kaya wag kang matakot." saad ko atsaka pumikit.

Kinabukasan ay umuwi muna ako sa bahay para makaligo at makapag palit ng pamasok, dito na rin kami kumain ni Tanya.

"Eyo! Kamusta mga pre!" bungad ni Eris.

"Aga aga Eris napakaingay mo." saad ko naman rito.

"Good morning everyone everytwo!" isa pa tong si Psyche, parang microphone ang bunganga sa sobrang lakas.

"Oh? Ayos lang kayong dalawa?" tanong naman ni Psyche nang makaupo sa tabi ko ganun rin si Eris.

"May sakit kaba Tanya? Biruin mo yun tinatablan kapa pala ng sakit?" biro naman ni Eris.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now