16

16 4 0
                                    

Mabilis namang lumipas ang gabi namin sa private resort at
ngayon ay nandito na kami sa bahay, kasama si Psyche.

Gusto daw ni Psyche na dito matulog, hula ko ay tatabi ito kay kuya, hay nako.

"Hoy bruha, san ka matutulog?" tanong ko rito habang nagaayos ng mga damit na nalabhan ko na.

"M-malamang dito, sira kaba?" utal na saad nito.

"May balak ka kay kuya no?" ngising saad ko.

"W-wala ah." namumulang saad naman nito.

Napailing nalang ako at tsaka may kinuha sa wallet ko, ibinato ko sakanya yun at gulat naman syang napatingin sakin.

Agad akong napatawa ng malakas sa itsura nya, laugh trip ka Psyche ang panget mo.

"Hayop ka Emjey!" tsaka lang sya nakareact kung kelan tinawanan ko na sya.

"Protection para pag may ginawa ka kay kuya di ka mapahamak yiee." pang aasar ko pa dito.

"Abnormal ka talaga." mamula mulang saad pa nito.

Gusto rin.

Narinig na namin ang pagtawag ni kuya kaya bumaba na kami, nakahain na ang pagkain pagbaba namin.

Masarap ang ulam kaya panigurado na mapaparami ang kain ko, lalo na siguro tong isa.

"Wow, ang sarap naman tignan!" maingay na saad ni Psyche.

Nahuli pa ng mata ko ang pasimpleng pag ngiti ni kuya. Mukhang mahal nya talaga si Psyche. Pero kase, parang ang bilis naman, well hindi naman sa wala akong tiwala sa kuya ko at matagal nya na ring kilala si Psyche pero ang bilis ng mga pangyayari.

"Emjey ano pang ginagawa mo? Maupo kana." nabalik ako sa huwisyo ng magsalita ang kuya ko.

Agad akong napaupo at nahihiyang tumingin sakanila, lutang na naman ako.

Wala namang masyadong nangyari sa hapag, nagkwentuhan lang kami at nainggit lang ako dahil sa kalandian nilang dalawa.

Si Psyche ay nagdesisyon na dito matulog sakin, dipa daw sya ready sa ganung bagay, pero di nya binalik yung condom na binigay ko sakanya. Meron talaga ako lagi sa wallet nun, wala lang trip ko lang.

"Emjey, tingin mo ba mahal talaga ako ng kuya mo?" tanong nya bigla, nakahiga na kami at nakatingin sa kisame ng kwarto.

"Oo naman, pero masyadong mabilis kaya hindi ko rin alam." saad ko rito.

"Magiisang linggo na kami ni Pierce, okay naman sya, maalaga tsaka pinaparamdam nya sakin na mahal nya ko." Psyche

"Yun naman pala e, ano pang iniisip mo?"

"Kung tatagal ba na ganto kami." saad nya.

Napaisip rin ako, wag mong sisirain ang tiwala ko kuya.

"Hay matulog na nga tayo, goodnight Emjey." saad nya bago tumalikod sakin at yakapin ang unan na nasa gilid nya.

"Goodnight." saad ko at pumikit na.

Nagising ako ng may maramdaman akong parang nakatitig sakin.

Dahan dahan akong dumilat at nakita ang mukha ng kaibigan kong demonyo.

"Ang panget mo Emjey." agad na saad nito.

Aba'y kingina neto ah.

"Sinabi ko bang titigan moko? Tapos ikaw magrereklamo tangina mo." saad ko at saka bumangon, tinawanan lang ako ng kinginang Psyche.

As usual ay sabay ulit kaming naligo at bumaba para kumain ng agahan dahil naririnig na naman namin ang nakakarinding boses ng kuya ko.

"Ang tagal nyong bumaba, lalamig na yung pagkain." malamig na saad nito.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now