26

26 4 0
                                    

"Pakilagay nalang to dun Emjey." utos ni Psyche.

Nag dedecorate kami para sa birthday party nya mamaya. Hindi pa naman sya 18 pero engrande na ang birthday nya.

"Pupunta kaya sila Tanya? Hindi kaya makaapekto sa pagbubuntis nya yung umattend sa mga ganitong party?" tanong nito.

"Hindi naman siguro, wag nalang natin syang painumin ng alak." saad ko habang dinidikit ang mga balloons sa dingding.

Nang matapos kami ay tinulungan ko na rin syang mag ayos ng sarili nya, ako na rin ang nag make up sakanya ng light lang.

"Pupunta kaya si Pierce?" tanong na naman nito.

"Wag ka ngang kabahan, ano ba feeling mo ikakasal ka? Gaga to." asar na sabi ko kaya naman natahimik nalang sya.

"Mga hija? Nakapag ayos na ba kayo? Mag uumpisa na ang party nyo sa baba." saad ng mommy nya.

Nang marinig namin yun ay agad na rin kaming bumaba at dumalo sa mga bisita.

Binati agad nila si Psyche at inabutan ng regalo, ako naman ay hinanap sila kuya at Tanya. Nang makita ko sila ay agad akong pumunta sa kinaroroonan nila. Nasa iisang lamesa ang sila kuya, Tanya, Eris at Brixton.

"Hello buntis." bati ko rito.

Ngumiti lang sya sakin at tumango ganun rin si Eris at Brixton.

"Asan na si Psyche?" Eris.

"Sinalubong yung ibang mga bisita, maya maya lang pupunta na yun dito."

"How are you?" tanong ni Brixton sakin nang mapatingin ako sakanya.

"Okay lang, mukha bang hindi?"

"No, you look fine." saad nya lang at hindi na muling nagsalita.

"Hello guys, nag eenjoy ba kayo?" saad ni Psyche nang makalapit saamin.

"Hindi, walang alak e." Eris.

"Laklakero ka talaga no." sarkastikong saad ni Psyche at saka ngumiti ng plastic.

"Syempre naman, alak is layp." pang asar na sabi ni Eris.

Nakapirmi lang kami sa pwesto namin buong party, aalis lang kami pag kukuha ng pagkain pero agad rin namang babalik.

Si Psyche lang ang panay ang alis twing may bagong dating na bisita.

"Daming gifts ni Psyche ah, teka nabuksan na nya ba yung gift ko sakanya?" Eris.

"Hindi pa, nasa kwarto pa nya mamaya nalang daw para sabay sabay nya buksan." saad ko.

"Daya dapat binuksan na nya!" Eris.

"Ano ba laman nun?" Tanya.

"Secret walang clue." ngising saad ni Eris.

"Kapag yan kalokohan mag tago tago kana." bantang saad ni kuya.

"T-to naman hindi mabiro, wala yun something tiny lang hehe." kabadong saad naman nito.

"Buti nga sayo." saad ko.

Tinawanan lang namin sya ng makitang kabado parin ito.

Natapos ang party nya at kami nalang ang natira nila kuya. Nag aya si Psyche na uminom nalang kami, pumayag naman si kuya dahil birthday naman nya.

"Party party!" Eris.

"Tanga kanina pa tapos yung party." Tanya.

"Papunta palang tayo sa exciting part." ngising saad nito.

Abnormal.

"Uminom lang kayo ng kaya nyo, baka mamaya mag collapse pa kayo dito." saad ni kuya.

"At ikaw," turo ko kay Tanya. "Isang bote ng beer lang sayo, baka mamaya duguin ka dito mahirap na." saad ko rito.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now