23

15 3 0
                                    

Matapos ang gabing nag usap kami ni Brixton ay inumpisahan na nyang manligaw sakin. Nagpaalam sya sa kuya ko na agad namang pumayag pero binantaan nya muna kaming huwag gagawa ng kalokohan.

Hindi nya alam nagawa na namin.

"Oy, andyan na manliligaw mo." bulong sakin ni Psyche.

Bumalik na sya sa dating sya, hindi na rin nya nililimitahan ang sarili nya sa lahat at nagpapakatotoo na sya sa harapan ng kuya ko. Siguro nag usap na sila tungkol sa kanila, ang kaso nga lang ay hindi pa rin sila legal sa parents ni Psyche.

"I bought something to eat." nakangiti sabi nito.

"Okay okay, gets ko na sige na alis na ko." saad ni Psyche.

"You can join us." aya naman ni Brixton pero todo iling naman tong bruha na to.

Ayaw nya maging third wheel.

Sya lang kasi ang kasama ko ngayon, si Tanya ay malamang sumama na naman sa lalaki nya habang si Eris naman ay hindi pumasok. Nilalagnat si gago kasi nagbabad magdamag sa tubig nung nakaraang araw.

Hindi na namin napilit si Psyche na sumabay samin kumain, pupuntahan nalang raw nya si kuya para ayain mag date. Nainggit daw sya samin.

"Let's eat." saad nya.

Nag umpisa na rin kong kumain ng ilabas nya sa supot ang mga pagkain. Mukhang nag order pa sya or dumaan sa drive thru.

Habang kumakain ay panay ang lingon nya sakin.

"Bakit? May problema ba?" tanong ko.

Umiling lang ito at saka nagpatuloy sa pagkain.

Nagtataka ko naman itong tiningnan pero agad ko ring binalewala.

Baka naman nagsisisi na sya na niligawan nya ko kasi ang takaw ko.

Oo tama tama.

"May chance kapa naman para umatras sa panliligaw sakin, baka want mo umatras, keri lang." saad ko.

Taka ako nitong tiningnan.

"What are you saying?" tanong nito.

"B-baka gusto mo na umatras kasi nakita mong ang takaw ko e." nahihiyang saad ko.

Mahina naman itong natawa dahil sa sinabi ko.

Aba gago pala to e.

"Why are you pushing me back? Don't overthink, my girl. That's not how I think of you." nakangiting sabi nito.

"S-sabi ko nga, hay kumakain ka na nga lang ng kumain dyan at huwag mo akong tignan utang na loob." saad ko pa.

"Ang kyut mo kasi, s-sorry." natatawang saad nya pa kaya naman agad ko itong tinalikuran at saka kumain.

Narinig ko pa ang mahinang tawa nito bago hawakan ang balikat ko.

"I'm sorry, I just can't believe that the woman who used to be my enemy and always angry with me is in front of me and I'm courting her now." malambing na saad nya.

Hindi na ito malamig at parang laging gusto ng away. Ngayon at para itong maamong pusa sa harapan ko. Wow.

"Well, Mr. Madrigal, kailangan mo nang masanay, paano pag sinagot na kita diba? Palagi na tayong magkasama nun." saad ko rito.

"Yeah, even in bed." nakangising saad nito.

Agad napalitan ang emosyon ko dahil sa sinabi nya, parang ang sarap na naman nyang pagsasampalin sa mga oras na to.

"Kidding." saad pa nya at tatawa tawang bumalik sa upuan nya at nagsimulang kumain.

Sarap sampalin amputa.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now