28

19 3 0
                                    

Lumipas pa nga ang isang buwan at ngayon ay nandito kami sa hospital, hindi mapakali ang mga nandito ngayon.

Ngayon ang araw ng panganganak ni Tanya kaya naman kabado kaming lahat. Si Eris naman ay kasama ni Tanya sa loob. goodluck nalang sakanya, karamihan kasi ng lalaki ay nahihimatay kapag nakalabas na yung bata.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng delivery room at lumabas si Eris na pawis na pawis at gulo gulo ang buhok.

"Oh? Anyare? Lumabas na ba yung bata?" tanong ko.

"Hindi pa, pinalabas ako ng hayop na Tanya na yun, matapos akong sabunutan, sinigawan at pinalabas ako." inis na saad nito. "Hindi daw makalabas yung bata kasi nandun ako." dagdag pa nya.

"Ay may ganun?" Psyche.

Nagkibit balikat lang ito at saka nagpaalam na mag cr muna sya. Mukhang na stress ito dahil sa nangyari sa loob ng delivery room.

Halos 30 minutes nang nasa loob si Tanya at hanggang ngayon ay wala parin kaming naririnig ng iyak ng bata sa loob.

"Parang ang tagal naman ata nyang manganak? Diba 30 minutes lang sa iba lumalabas na?" Psyche.

"First time nya magbuntis kaya naman inaabot ng lagpas 30 minutes ang panganganak nya or worst abutin pa ng 1 hour." saad ko.

Siguradong hirap na hirap na sya, parang ayoko na tuloy magbuntis. Charot.

"Hindi parin lumalabas? Ano na kayang nangyayari dun sa loob?" Eris.

Bigla nalang itong sumulpot sa tabi ko kaya naman nagulat ako.

"Bwiset ka talaga." saad ko rito at agad naman syang napatingin sakin.

"Ano na naman bang ginawa ko?" tanong pa nito at saka humawak sa dibdib nya na tila nasasaktan.

Ang arte ng kinginang to.

Natigil kami sa pag uusap ng bigla kaming may marinig na matinis na iyak.

"Yung baby, nakalabas na yung baby." tuwang sabi ni Psyche at nanguna pang mag abang sa tapat ng delivery room.

"Congratulations, sir." saad ng doctor kay Eris.

Si Eris naman at nakatulala lang at parang estatwa na hindi makagalaw at makapagsalita.

Ang OA pero di ko rin sya masisisi, siguradong sobrang saya nya. Hindi rin naman nagtagal ay inilipat na rin si Tanya sa recovery room dito sa hospital, nililinisan na rin yung baby nya para makita na ni Eris.

Naghintay lang kami ng sa loob ng kwarto ni Tanya, tulog parin aya hanggang ngayon, sa pagod siguro, malamang na matutuwa sya pag nakita yung anak nya.

"Nakakatuwa na naging maayos yung delivery nya, buti nalang hindi ganun kakomplikado yung panganganak nya." saad ng mama ni Eris.

Wala yung mama ni Tanya ngayon dahil mas inuna nito ng trabaho kaysa sa anak nya, masama parin ang loob nito sa anak nya, sana lang kapag nakita nya yung apo nya ay hindi nya ito idamay sa galit nya kay Tanya.

"Are you alright?" Brixton.

Nakalimutan ko na kasama ko pala sya dito, it's been a month since we engaged, nagpaplano palang kami ng kasal after we graduate in college, malayo pa pero for sure naman kakayanin naming hintayin yung isa't isa na maging successful besides magsasama na rin kami sa iisang bahay.

Si Psyche at kuya naman ay naipaalam na kina tito Adrien yung tungkol sa relasyon nila, hindi naman nagalit ang mga ito, natuwa pa nga sila dahil gusto talaga nila si kuya para kay Psyche.

Marami ring naging magandang dulot yung lahat ng nangyari, mas naging matatag yung pagkakaibigan namin at yung relasyon namin sa bawat isa.

Ilang saglit pa ay bumukas na rin ang pinto ng kwarto kung saan kami nag stay, iniluwal nito ang isang nurse buhat buhat ang cute na cute na sanggol.

Mortal EnemyWhere stories live. Discover now