OS11: UNTITLED

14 1 0
                                    

“May booksigning si Crystal ngayon prend” narinig ko kinaguguluhan ng tao dito sa school namin. Kinikilig pa nga ang iba. Yung iba din ay may hawak na lightstick at yung iba may banner.

They're actually loving that woman named Crystal, I mean Crystal Carmen. She's a famous author on wattpad, by the way.

“Pre, tignan mo sila nababaliw na yan” sabi ng kaibigan ko pero hindi ako nagsalita. I don't know why but I feel like I want to meet this girl named Crystal. May dumating na kotse at agad nagdudumugan ang mga estudyante. Naghihintay akong may lumabas kaso ang tagal.

“Pre, mukhang mahiyain ang babaeng yan! Tara na!” naghihintay parin ako hangganh sa lumabas ang isang napakagandang babae. Nakashades siya at tumingin siya sa mga tao. Mapababae man o lalaki ay nagtitilian na. Nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang shades niya at napatingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin at niyaya ko ang kaibigan ko na umalis na. There's something wrong with her eyes.

“Uy pre, anong nangyari sayo, bakit ka namumula dyan?”

“W-wala”

Lumingon siya sa kinaroroonan ni Crystal. Ngumiti siya sa 'kin. “Crush mo?” agad naman akong umiling. “Binata na talaga tong kaibigan ko HAHAH”

Papunta kami ng canteen at halos sasapakin ko na itong lalaking nasa tabi ko kasi inaasar talaga ako.

Pagdating ko sa bahay agad kong kinuha ang cellphone ko't nababaliw na ata ako dahil ininstall ko yung wattpad at tanging siya lang ang finollow ko. Nagsimula akong basahin ang stories niya pero minsan ay magsasawa naman ako at bigla nalang matutulog.

Sa mga sumunod na araw, parang naaadik na ako sa mga story niya lalo na yung fantasy stories niya. Napakagaling niyang magsulat. Akala ko ay hindi ako aabot sa ganito ngunit heto ako tinutukso na ng kaibigan ko.

“Ay tinamaan na talaga...” aniya, ngumiti lang ako habang nagbayad sa counter. Bumili kasi kami ng libro at nagpapasama lang ako sa kanya. “Baliw ka na Russel” napailing-iling siya.

“Wala ka na don” kinuha ko ang libro at niyakap to. Parang nandidiri naman itong nasa tabi ko. Baliw.

Pagkauwi ko sa bahay. Nilagay ko ang libro sa bookshelves ko. Andami ko ng libro and lahat ng iyon ay si Crystal ang nagsusulat. Bumibili naman ako ng lighstick at ready na ako kapag may booksigning siya.

Sumapit ang araw na maraming tao na naman sa paaralan. Naexcite ako. May booksigning siya ngayon. Agad kong kinuha ang lightstick ko sa bag ko at hinila yung kaibigan ko, si Jett.

“Wag mo akong idamay dyan!” nandidiring aniya. Natawa ako pero binitawan ko nalang siya. Sige di ko nalang siya isasama. Lumalayo siya sa akin kaya napatawa ako.

Kaso hindi pala siya yung may booksigning kaya medyo nabigo ako pero ayos lang, yung nagbooksigning ay isa naman din sa paborito ko. Nilagay ko uang lightstick sa bag ko at umuwi diretso sa bahay.

Habang nagbabasa ako ng libro niya ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi oa nga ako nakapagsalita ay pumasok na agad si Jett at humiga sa kama ko. Tinitigan niya yung libro ko. Kumuha siya ng isa at tinitigan niya yung librong iyon. Nagtataka din ako sa kanya.

“Maganda ba ang kwento niya?” tanong niya habang nakatitig sa book cover ng libro. Nagtataka ako. Kailan pa siya nagkainteresado sa libro? O sa kwento ni Crystal?

“Sobra, yung iba masakit nga lang ending, basahin mk” sabi ko. Bumuntong hinga siya, umiling at ngumiti.

“Crush mo siya?” tanong niya pero wala na ang pang-aasar na tono. Hindi ko siya sinagot at naweweiduhan sa kinikilos niya.

Ibinalik niya yung libro sa bookshelf at tumayo.

Ngumiti siya. “Alis na ako” sabi niya. Tumango lang ako at hinayaan siya. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Hanggang gumabi at nakatulog na ako.

Ilang araw ang lumipas mas lalo akong naaadik kay Crystal lalo na nong nagbooksigning at ngumiti siya sa akin ang ganda niya. Masaya kong nilapitan si Jett non at ngumingiti lang siya sa akin. “Ang ganda niya pre” sabi ko ngumiti lang siya at tumango. “Maganda naman talaga yan” sabi niya. Masaya lang kaming nag-uusap. Si Jett palagi ang sinasabihan ko na mahal ko na ata si Crystal. Mahal ko siya bilang isa tao kahit hindi siya author. I'm inlove with her, damn it.

Napapansin ko din ngumingiti lang palagi si Jett tuwing sinasabi ko iyon sa kanya.

Hanggang naging usapan ang isyung ito na nakapagbasag ng puso ko.

Crystal reveals something.

May anak na siya at iniwan niya ang asawa niya at pinalaki ang anak ng mag-isa.

Ilang araw akong bigo at hindi na ginalaw ang mga libro niya. This is my first heart break. Ang sakit magmahal. May kumatok naman sa pinto at agad naman itong pumasok. Seryoso ang mukha ni Jett.

“May sasabihin ako” sabi niya. Tumango ako at hinayaan siyang magsalita. “Alam mo bang ayaw kong basahin yung gawa ni Crystal?” aniya. W-wha...

“A-are you—” ngumiti siya at yumuko.

“A-alam kong tungkol sa amin ang lahat ng nasa librong yan” sabi niya. Hindi ko makapagsalita. Gusto kong magalit sa kanya kaso hindi ko kaya kasi kaibigan ko siya.

“Fixed Marriage sa murang edad. I was 18 that time and she's 17”

Lumunok siya bago magsalita.

“4 years ago, nakasal kami hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil sa pera” nanginginig na ang boses niya.

“Sinasabi niya sa akin na hindi niya ako mahal without knowing na nasasaktan na ako dahil mahal na mahal ko siya”

May tumulo na luha sa mata niya kaya pinunasan niya yun.

“Isang gabi, lasing siya, she kissed me kaya nagulat a-and... I-i take advantage of her.” Gusto ko siyang sapakin pero nasasaktan din ako.

“Nong gumising ako, at wala na akong mmakikitang mukha niya at ngayon malalaman kong may anak na siya at.. a-ako yung ama”

Shoot. My heart broke.

“S-sorry” aniya. Hinagod ko lang ang likod niya at ngumiti nalang. “Talo ako, wag mag-alala tanggao ko” ngumiti ako kahit masakit.

“Pasensya na pre, di ko naman alam na mamahalin mo yun” sabi niya habang nakayuko. “No worries, go! puntahan mo siya! Maybe she's ready to accept you. Nireveal na niya e” sabi ko. Pinahid niya yung luha niya at tumango.

“Salamat, sige” sabi niya. Jett is my very bestfriend so I'm ready to sacrifice everything kahit mahal ko yung si Crystal.

Lumipas ang mga taon, naging masaya na ang buhay ni Jett at Crystal with their 6 years old daughter, Claire.

And I was here happy for them.

Extra lang naman ako sa kwento nilang dalawa.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now