"Raise your hand if you want to answer!" sigaw ng teacher. Hindi kami nagtaas ng kamay sa halip ay nagpanggap kaming humihikab. Yung iba, isinubsob ang mukha sa desk. Ako naman ay nakayuko lang.
"Edi sige, di ko na kayo papauwiin." sabi niya kaya kahit di ko alam ang answer ay tumayo ako. "Alam mo yung answer, Sharaine?" nakangiting sabi ni ma'am napapeke ako ng ngiti at dahan-dahang napatango sa kanya. Pumalakpak siya.
Subject niya ay math and I hate math. Pero dahil gustong-gusto ko ng umuwi ay sasagutan ko nalang bahala na. Pumunta na ako sa blackboard. Kinuha ko ang chalk at tinitigan ang equation na nakasulat sa blackboard ng ilang minuto. Alam kong kanina pa naghihintay si ma'am sa sagot ko pero di ko talaga alam e.
"Sharaine? Ano na?"
"A-ah yes po" pumikit muna ako at huminga ng malalim bago sinulat ang sagot sa pisara.
Zero is my answer.
Kinakabahan akong bumalik sa upuan ko at pumikit baka mapagalitan ako. Nagtawanan ang mga classmates ko. Tinignan ko naman si ma'am na ngayon ay nakatitig na sa pisara kung saan nakasulat ang sagot ko.
"Baliw ka Sharaine HAHAHA" sigawan ng mga kaklase ko habang ako ay nakayuko na, nahihiya na ako.
Tumingin ako kay ma'am na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa mga kaklase ko. Oh ayan na, alam ko namang mali yan. "Silence" sabi ni ma'am dahilan upang matahimik ang kaklase ko. Ngumiti si ma'am sa akin and pumalakpak. "Your answer is correct!!" masayang sabi ni ma'am.
"Po?"
"Tama yung sagot mo" proud na sabi ni ma'am. Hindi parin ako nakapaniwala hanggang sa uwian na. Uuwi na sana ako kaso bigla akong tinawag ni ma'am at pinasunod niya ako sa office niya. "Sit down"
Umupo naman ako at umupo din si ma'am sa harap ko. Tumitig siya sa akin kaya napalunok ako. "How did you solve that equation?" tanong niya sa akin tapos napalunok ako. Hindi ako makasagot sa kanya akala ko magagalit siya pero ngumiti siya sa akin sabay sabing "Congratulations" nagtataka akong napatingin sa kanya. Ngumiti lang siya. May kinuha siyang papel at ibinigay niya sa akin yun. Tinitigan ko naman iyon pero walang nakasulat.
"Ano po ito?" tanong ko. Tumayo siya at pumunta sa may pintuan kaya napatingin ako sa kanya.
"Pagdating mo sa bahay mo, malalaman mo" sabi niya at lumabas na siya sa office.
Umuwi akong may pagtataka sa mukha. Naglalakad lang ako papunta doon nang may nakita akong isang pusa. Isang puting pusa, sobrang cute talaga. Kinuha ko iyon at dinala sa bahay. Nilagay siya sa isang basket ng labahan ko.
"Dyan ka muna ah?"
"Meow" ang cute.
Ngumiti ako at pumasok na sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Ako lang mag-isa dito sa bahay. I mean, lumang bahay namin 'dahil yung mga magulang ko at ang kapatid ko ay nasa bagong bahay namin. Nagstay lang ako dito kasi mas malapit ang paaralan dito e.
Lumabas na ako sa kwarto ko dala-dala ang suklay ko ngunit agad ko naman itong nabitawan at nanlaki ang mga mata nang may makitang di ko mapaliwanag.
"Hi, I'm Zero" he said. I gulped then I shouted. What the heck?
"Hey, calm down!" sabi niya at niyakap ako patalikod ngunit pilit kong makawala sa kanya.
"Let go of me!" sigaw ko at sinubukang alisin ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko. "Stay still!" sabi niya pero ginawa ko talaga lahat para makawala sa kanya pero tangina natumba kami pareho.
Nasa itaas ko siya habang ako ay nasa ilalim niya. Napalunok ako nong narealize ko kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Kapag kikilos ako ay posible talagang mahalikan ko siya.
YOU ARE READING
One-Shot Stories [Collection]
RandomThese stories were the ones I posted on my facebook writing account. Someone told me to create a collection and here it is.