"Hindi magbabago ang katotohanang naghanap ka ng iba habang tayo pa," ngumiti siya ngunit makikita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot.
Alam kong gago ako dahil sinaktan ko siya. Noong araw na iyon ay napagdudahan ko din siyang may bago kaya dahil sa selos ko ay naghanap din ako ng bago without knowing na iyong kasama niya ay isang pasyente lamang.
Hindi ko naman alam na mahuhulog ako ng tuluyan sa bagong nahanap ko kaya ay imbis na sa kaniya ako magpopropose, sa bago kong girlfriend ako nagpropose.
And I'm here to give closure sa relationship namin dahil noong time na iyon, hinding-hindi na ako nagparamdam sa kaniya. Nag-ibang bansa kami ng bagong girlfriend ko without knowing na hinahanap na ako ng babaenng 'to.
"I'm sorry." sabi ko. Ngumiti lamang siya at umiling sa akin. Sana maintindihan niya ang nangyari sa amin. Sana makahanap siya ng bago dahil sa oras na ganun, ay masaya na ako na masaya siya. Sana masaya din siya para sa akin.
"Ang unfair lang kasi, nagpadala ka sa selos mo. Hindi nga kami masyadong nag-uusap ng lalaking iyon. Pero ayos lang, hindi kita masisisi kung may iba ka na dahil mismo alam kong marami akong pagkukulang sa iyo." sabi niya. I smiled and nodded. Ito ang una kong nagustuhan sa kaniya ang pagiging understanding niya.
"I'm very sorry. I mean it." sabi ko. Umiling siya at tumango.
"It's okay but about the wedding invitation, I can't go." sabi niya. Nagtataka naman ako kung bakit hindi, importante din sa kaniya ang babaeng papakasalan ko.
"Why?"
She chuckled.
"Hindi ko kayang makita ang kapatid kong maikasal sa iyo dahil ako sana ang nasa posisyon niya" sabi niya at napahinga ng malalim.
"Okay, I'm sorry." sabi ko.
Gago ako alam ko 'yon.
Tumitig ako sa kaniya naaawa ako. Ako ang dahilan nito kaya siya nawalan ng trabaho.
Noon ay isa siyang dentista. Nahinto lang noong kinausap ko siyang ibigay niya ang kaniyang mga mata sa kapatid niya. Sa araw na iyon. Alam kong selfish ako.
"I hope you're happy. Take care of my sister." sabi nito at tumango naman ako. Marami na akong kasalanan sa kaniya at sisiguraduhin kong aalagaan ko ang kapatid niya.
YOU ARE READING
One-Shot Stories [Collection]
RandomThese stories were the ones I posted on my facebook writing account. Someone told me to create a collection and here it is.