OS142: LDR: LONG DISTANCE RELATIONSHIP OR LONG DESTINED RELATIONSHIP?

5 1 0
                                    

LDR: LONG DISTANCE RELATIONSHIP OR LONG DESTINED RELATIONSHIP?

I'm 18, he's 19.

I'm from Cebu, he's from Davao.

Friends lang kami ngunit hanggang sa tumatagal ang aming pag-uusap, nagkagusto kami sa isa't isa.

Niligawan niya ako sa loob ng dalawang buwan. Nagvoicemail, nagvideocall, nagcall, nagchat. Lahat ng iyan nagawa nga namin dahil nga magkalayo kami.

Hanggang sa sinagot ko siya at naging kami. Walang nagbago sa aming dalawa. Ginawa parin namin lahat nang ginawa namin noon.

"Gusto na kitang mayakap" aniya sa call. Malungkot akong napangiti. Hindi ko alam kung magkikita pa ba kami dahil itinago ko naman siya sa parents ko bawal pa akong magkajowa sana pero, mahal ko siya e. Wala akong magawa. Tatago lang ako palagi sa kwarto kapag mag-uusap kami para hindi ako mahuli.

Hindi niya alam na tinatago ko lang siya. Dinideny ko sa mga kaibigan ko. Sa tuwing tatanungin nila akong may boyfriend ba ako sasabihin kong wala.

"Soon, mayayakap kita" iyan ang sabi ko. Nagpaalam na ako na inaantok na ako pero ang totoo ay may narinig akong katong sa kwarto ko. Pumasok si mama don para icheck kung tulog na ba ako. At syempre nagtulog-tulogan nama ako.

Mag-iisang buwan na kami at parang nawalan na ako ng gana. Hindi naman siya nagbabago sweet parin siya pero nawalan ako ng feelings sa kaniya. Basta alam nyo yun. Isa din sa dahilan ay nahuli na ako nila mama at papa.

"Let's break up" sabi ko sa call. Narinig ko ang pagchuckle niya sabay sabing "Nagpaprank ka ba?" tanong niya iyan pero umiling ako kahit hindi naman niya makikita. "Nope, hindi ako nagpaprank. Let's break up" tsaka ay inend ko na ang call.

Buhay single.

Masaya ang buhay single pero aaminin ko masaya rin ang buhay taken.

Isang taon na ang nakalipas simula noong nakipagbreak ako sa kaniya. Palagi parin niya akong chinachat pero hindi ako nagrereply.

Dalawang taon na ang nakalipas, palagi parin niya akong chinachat pero hindi ako nagrereply, sineseen ko lang.

Makikipagbalikan siya. Gagawin niya daw lahat para magiging sa kaniya ako ulit.

Naaawa nga ako e, wala naman siyang ginawa sa akin na masama pero nawalan lang talaga ako ng feelings sa kaniya.

Tatlong taon na ang nakalipas, chinachat parin niya ako pero seen lang ang tanging nagawa ko.

Hanggang ngayon, hindi parin ako nagkakaboyfriend. Siya talaga ang first ever boyfriend ko.

Apat na taon na ang nakalipas, chinachat parin niya ako at gusto niyang makipagbalikan. Marami na ding nagchachat sa akin na kaibigan niya na simula nong nagbreak kami, hindi daw siha naghahanap ng iba at hindi ko kayang paniwalaan yun dahil karamihan sa mga nakikita ko sa pelikula, puro kasinungalingan ang ganun.

Limang taon na ang nakalipas, chinachat parin niya ako pero ganun parin ang ginawa ko seen parin.

Anim na taon na ang nakalipas, chinachat parin niya ako at ang last na nabasa ko sa chat niya ay ito. "Kailanman ay hindi magbabago ang pag-ibig ko sayo. Tutuparin ko ang pangako kong ikaw lamang ang mamahalin ko hanggang dulo"

Pitong taon na ang nakalipas, it's my 25th birthday and maraming tao dito sa bahay. Ito din ang araw na isa na akong Licensed teacher. Ang saya ko.

Habang nakikipag-usap ako sa mga kaibigan ko, nahinto at nagulat naman ako nang makita ko siya doon sa bahay namin. As in, nanlaki ang mga mata ko. Nakatitig lang siya sa akin suot ang simpleng damit. Ito ang T-shirt na isinuot niya noong first naming video call.

Lumapit siya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na noong bumati siya sa akin ng happy birthday.

"Thank you"

Kung nagulat man ako sa pagdating niya ay mas nagulat pa ako nong pumunta siya sa may stage at kinuha ang mic tumingin siya kela mama at papa na ngayon ay nakangiti sa kaniya at tumango, "Honeycel, alam kong matagal na panahon na iyo ngunit nandito ako para patunayan na tutuparin ko ang pangako kong ikaw lamang ang aking mamahalin, nagpapaalam na ako sa mga magulang mo, will you be my girlfriend?"

Nagsigawan ang mga tao at napalingon ako kela mama at papa na tumango. Umakyat ako sa stage at niyakap siya.

Sa tagal ng panahon, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya. Mas minahal ko pa siya nang pinatunayan niyang tutuparin niya ang pangako niya.

I'm 30, he's 31. I'm a teacher, he's an engineer. We're married now.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now