"Bes! Nakita mo yun?" turo niya sa langit.
Tumingin naman ako pero tanging mga ulap lang ang nakikita ko.
"Huh? Ulap?"
"Si Peter Armstrong!"
"Baliw!" sabi ko pero siya seryoso paring nakatingin sa langit e. Okay pa ba tong babaeng to?
Hinila ko siya papunta sa bus station pero nagulat ako nong bigla niyang hinulog yung notebook niyang green kaya kinuha ko yun.
"Bes naman e! Ba't mo pinulot! Si Kudos dapat ang pumulot niyan!"
"Hoy tumigil ka nga!"
Hinila ko ulit siya papunta sa tabi ng batis pero ngayon nagulat na naman ako sa ginawa niya.
"Wait ka lang diyan bes, hahanapin ko lang si Riguel ko!"
Nababaliw na 'tong babaeng to.
"Isa nalang talaga!" sabi ko.
Nag-anyaya akong umuwi na kaya ayon umuwi na kami.
Pero nong dumating na ako sa bahay namin ay biglang tumawag si Tita Grace, mama ni Kat, yung kaibigan ko.
[Hello, iha, tatanungin lang sana kita]
"Ano po yun?"
[Sino yan si Juanito Alfonso, Sibal Riego, Deib Lohr, Maxwell, Elijah, Azrael, Tyron, Knight, Lysander? Ka-ano ano yan ng anak ko? Bakit palagi niyang tinatawag mga pangalan na ito? Ummiyak pa siya dahil daw wala na si Pedro ba yun? Tsaka si Gavin din daw kaya nagtataka na ako sino yun]
Napafacepalm ako sa sinabi niya, shet nababaliw na ang bestfriend ko.
"Tita, fictional characters lang po yun"
At yun nga, tuluyan nang nabaliw si Kat, nasa mental hospital na siya ngayon. Wattpader ako pero ayokong umabot sa part na maging baliw.
YOU ARE READING
One-Shot Stories [Collection]
AcakThese stories were the ones I posted on my facebook writing account. Someone told me to create a collection and here it is.