ANG LALAKING NAPAGKAMALAN KONG BAKLA
Grade 7 kami noong nakita ko siyang nagsusuot ng dress sa school namin. Seryoso lang siya palagi sa tuwing dress ang isusuot niya. Pinagtatawanan namin siya dahil kalalaking tao, nagsusuot ng dress.
Grade 8 kami noong nakita naming panty ang sinuot niya imbes na brief. Hindi naman sinadya ng classmate naming mahubad ang palda na suot niya. Akala nga namin magagalit siya ngunit binabalewala lang niya yung mga pang-aasar namin sa kaniya.
Grade 9 kami noong barbie yung bag niya tsaka pambata pa. Inaasar namin siya na bakla. Ako naman talaga yung unang nangangasar e. Ewan, hindi ko mapigilan ang sarili kong asarin siya. Hindi ko naman siya gusto.
Grade 10 kami noong pinasali siya sa gay pageant kahit na ayaw naman niya pero pinilit namin siya. Imbis na suportahan ay pinagtatawanan pa namin siya. Gwapo naman sana siya, bakla lang. Pang 4th place lang siya non.
Grade 11 kami noong napansin namin na nagbabra siya. Pinagtatawanan parin namin siya. Grabe naman kasi, ang gwapo tsaka ang lalim ng boses pero bakla naman pala. Sayang. Akala din namin magagalit siya pero ngingiti lang siya.
Grade 12 noong huminto siya sa pag-aaral at nalaman namin ang dahilan kung bakit ganoon palagi ang mga sinusuot niya.
May kapatid siyang babae na namatay. Mahal na mahal ng kaniyang ina ang kapatid niyang babae kaya simula nong Grade 7, binibihisan siya ng kaniyang ina na pambabae at dahil nga mahal na mahal niya ang kaniyang ina pumayag siya kahit na mapapahiya siya. Nangako din siya na hindi niya huhubarin pagdating sa paaralan at ayos lang daw sa kaniya na mapahiya siya at least natupad niya ang pangako niya sa ina.
Nandito kami sa kanila. Lamay ng kaniyang ina. Namatay dahil sa katandaan na. Nakita ko siya doon sa tabi na nakatulala lang at panlalaki na ang sinusuot niya. Napalunok naman ako at nakokonsensiya. Hindi ko siya magawang lapitan. Nahihiya ako. Naaawa ako sa kaniya.
Lumipas ang mga taon, nakapagtapos na ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho na ako bilang accountant. Naisipan kong siyang bisitahin sa bahay nila ngunit pagdating ko doon hindi ko na makita ang bahay nila. Ang nakikita ko lamang ay ang malaking bahay.
May lumabas na lalaki at napahinto siya nang makita niya ako. May summunod na isang babae dala-dala ang isang sanggol. Napatingin naman ang babae sa akin.
Ngumiti lang ako at lumapit sa kanila.
"What are you doing here?" tanong niya. Nakinig lang iyong babae na may dalang sanggol na halata namang asawa niya. Lumingon ako sa asawa at yumuko upang magbigay ng galang tsaka ko hinarap iyong lalaking napagkamalan kong bakla.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga pang-aasar namin years ago without knowing na may mabigat ka palang pinagdaanan." sabi ko. Tumitig siya sakin at bahagyang natawa. "It's okay. Nakaraan na iyon, tsaka di naman ako galit dahil hindi naman iyon totoo. Nakaanak nga ako oh, tignan mo" sabi niya. Tsaka kinuha niya yung sanggol sa asawa niya. Napangiti nan ang kaniyang asawa.
So cute.
Pagkatapos non ay nagpaalam na akong umalis. Iyon lang naman talaga ang pinunta ko dito. Ang humingi ng tawad.
-
Huwag manghusga kung di mo alam ang buong kuwento ng isang tao.
YOU ARE READING
One-Shot Stories [Collection]
DiversosThese stories were the ones I posted on my facebook writing account. Someone told me to create a collection and here it is.