OS129: REALIZING MY MISTAKE

7 1 0
                                    

REALIZING MY MISTAKE

I'm 17, I have a boyfriend. He's 23 years old. Sabi nga nila age doesn't matter. Buti nalang talaga ay tanggap naman siya nila mama at papa and ganun din ako sa parents niya. In short, legal kami both sides.

His name is Gab. Napakasweet niyang boyfriend at syempre napakamature niya dahil nga mas matanda siya sakin at nakagraduate na siya with the degree of Bachelor of Science and Criminology. He is a police. Busy siya pero ang nakakatuwa lang ay kahit ganun, nagkakaroon parin siya ng time para sa akin.

Si Gab yung tipo ng jowa na ayaw kang pagagastusin kapag date niyo pero ayoko ng ganun. Gusto ko kasi kapag sa date ay may ambag ako pero ayaw niya talaga palagi niya lang sasabihin na "Ipunin mo iyan, ako na bahala sa date natin"

I really love this man.

"Mahal, saan mo gustong pumunta sa date natin?" He asked. Nag-isip-isip naman ako ng pwedeng puntahan at ang tanging naisip ko lamang ay dito nalang sa bahay namin kasi nga kahapon tumawag ang pinsan ko na bibisita daw sila dito sa bahay ngayon. Hindi ko naman alam kung anong oras basta ngayon. Syempre miss ko na din yung pinsan ko, matagal na kaming di nakapagbonding. Malayo kasi bahay namin.

"I think here nalang sa bahay mahal, pupunta pinsan ko ngayon." sabi ko tumango naman siya at hinalikan niya ang noo ko. Nagkukwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay tulad ng future namin. Saan kami magpapakasal ganun. Si ako naman ay syempre kinilig.

May kumatok sa pintuan kaya agad ko naman iyong nilapitan at binuksan. Si mama.

"Drea, nandito na pinsan mo." pabulong na aniya. Tumango naman ako at nilingon ko naman si Gab. Tumango siya sa akin at tumayo. Sabay kaming lumabas sa bahay tsaka ay agad akong napangiti nang makita ko ang mga pinsan ko tsaka may kasama din silang isang lalaki na di ko naman kilala. Baka kaibigan nila.

"Yun oh, sanaol Drea, may jowa" bulong sa akin ni Mitch, pinsan ko. Napatawa lamang ako at ngumiti. Madali lang naman iyong pakisamahan si Gab kaya nagiging close na niya agad yung mga lalaki kong pinsan tsaka ay yung lalaking di ko kilala. Basta ml ang pag-uusapan, madali lang kausap.

Napansin ko ang paglingon sa akin ng lalaking di ko kilala at ngumiti siya ng bahagya sa akin. Umiwas lamang ako ng tingin tsaka ay naging busy sa pakikipag-usap sa mga babae kong pinsan.

"Akala ko wala ka pang jowa, irereto ko sana yang lalaki yan" ani Mitch. Kami nalang dalawa yung nag-uusap kasi yung isang pinsan ko ay kumakain na, matakaw lang talaga.

"Pangalan niya?"

"Eric." napatango-tango naman ako. Pero syempre wala akong balak na ientertain yung lalaking iyon dahil nga may jowa na ako. Ang swerte ko naman kay Gab para lumandi pa. "Sayang, mabait tsaka gwapo naman yan. Pero ayos lang, police naman bf mo diba? Sanaol." napatawa naman ako sa naging reaksiyon niya nang malaman niya police si Gab. Gaga talaga nitong si Mitch.

Nang kumain na kami, ay napapadalas ang paglingon ko kay Eric. He's really staring at me.

"Mahal, kumain ka na." sabi ni Gab kaya ay natauhan ako. Ngumiti ako at nagsimula nang kumain.

Hindi ko alam pero may nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Kailangan kong pigilan ito.

Hindi naman sila nagtagal dito dahil may pupuntaha da2 silang classmate nila na taga rito kaya hinayaan lang naming umalis. Nagpaalam na din si Gab sa akin na umuwi na muna siya dahil may inutos sa kaniya yung mama niya. Hinalikan naman muna niya ako sa pisngi bago umalis.

Pag-open ko ng facebook ko ay may nag-add kaagad sa akin. I viewed his display picture and nagtaka ako kung bakit niya agad nalaman ang pangalan ko? Well, my cousins.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now