OS43: UNTITLED

4 1 0
                                    

"Angie, give me your hand"

I gave him my hand. May kinuha siya singsing sa bulsa niya at tumitig siya sa aking mga mata "I promise to marry you, not now but someday."

Ngumiti ako ng pilit at binawi ko ang mga kamay ko.

"Ayoko..."

Yumuko siya. "B-bakit?"

"Blake, Hindi pa ako handa..." sabi ko. Tumingala siya at nakapikit ang kanyang mga mata.

"Hindi pa naman ngayo-"

"Ayaw ni ate sayo for me" sabi ko.

Totoo, ayaw na ayaw ni ate sa kanya dahil nga mayaman siya at mahirap lang kami. Nagtataka ako, nasa estado ba ng pamumuhay ang pagmamahalan?

Si ate ang tumatayo bilang ina at ama ko dahil wala na kaming mga magulang. Sabi ni ate noong bata pa ako, namatay na silang dalawa. Hindi naman niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni mama at papa.

"Sorry" sabi ko at tinalikuran na siya.

Lumipas ang mga araw, nagkikita pa naman kami ni Blake pero palagi nalang awkward ang namamagitan sa amin. Sa tuwing titingin ako sa kanya ngingiti siya ng konti at iiwas ng tingin. Naiiyak ako, nagsisisi ako sa sinasabi ko.

"Aalis ka?" tanong niya.

"Oo"

Napagdesisyonan ni ate na magbabakasyon daw ako sa Cebu. Ayoko sana ngunit hindi nalang ako pumalag. Ewan ko ba kung sasama ba si ate o hindi or susunod ba siya basta ang alam ko lang ay ako ang pupunta doon.

"Ilang araw ka doon?"

"Anim na buwan siguro, magtatrabaho din ako doon" sabi ko at ngumiti sa kanya. Yumuko siya at tumingin ulit sa akin. "Sasama ako" umiling ako. Kapag nalaman ni ate nandoon siya. Baka pagalitan na naman ako non.

"Susunod ako" sabi niya. Pumikit ako at umiling. Hindi parin pwede dahil malalman talaga yun ni ate. "Kahit malayo ka sa akin, tayo pa naman diba?" naninigurafong aniya.

"Of course, wag ka lang gumawa ng kalokohan na hindi ko gugustuhin" natatawang sabi ko. Ngumiti siya at tumango. Hinalikan niya ako sa labi bago ako nagpaalam na umuwi sa bahay namin.

Pag-uwi ko, lasing na lasing si ate. Nakahiga lang siya sa sahig kaya napabuntonghinga ako at tinulungan siyang makahiga ng mabuti sa kama.

Isa lang ang kama namin at share lang kami nito. Minsan nga ay sa sahig nalang ako matutulog dahil maookupado talaga ni ate ang kama.

Sumapit ang umaga at araw na ng pagpunta ko sa Cebu. Hinatid ako ni atr sa airport. Buti nalang at okay na siya sa pagkalasing niya. "Text o tawagan mo ako kapag may kailangan ka" sabi ni ate. Tumango lang ako. Sumakay ako na ako sa eroplano at hinihintay nalang na lilipad ito.

Nang marating ko na ang Cebu, agad skong naghanap ng boarding house na titirhan ko at buti nalang ay meron kaso malaki ito at kasya ang dalawang tao. Malaki ang bayad nito kung ako lang mag-isa ang titura dito pero ayos na ito.

Magpahinga muna ako at bukas na ako maghahanap ng trabaho. Pagod na pagod ang katawan ko pero naisipan kong mamasyal muna ako. Tutal may pera ako para pampasyal. Nakabudget na ito lahat. May mga street foods naman na nadaan ko kanina yun nalang ang bibilhin ko.

Nagbihis ako ng jeans at t-shirt tsaka nagdoll shoes lang. Lumabas ako at nagtungo doon sa kalsada na mayroong maraming pagkain. Mayroon doong kwekkwek, fishball, tempura, isaw at marami pa kaso gustong gusto ko talaga tong matikman itong kwek-kwek at tempura kaya ito ang binili ko.

At dahil nga hindi pa ako pamikyar sa lugar na ito, bumalik nalang ako sa pinapasukan ko tutal may nadala naman na akong pagkain.

Pagdating ko dun, nagtaka ako kung bakit ito nakabukas nilock ko naman ito kanina. Dahan-dahan akong pumasok doon at nagulat ako nang nakita kong may lalaki. "S-sino ka?" napalingon ang lalaki sa akin na may nakakunot ang noo. "You're my room mate?"

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now