OS67: NASAAN ANG ANAK MO?

9 1 0
                                    

"NASAAN ANG ANAK MO?"

"Anong sakin? Sa atin yun!" sabi niya kaya mas lalong kumulo ang dugo. Bwesit na lalaking 'to, kakagaling ko lang sa trabaho tapos sasalubungin niya ako na nawala daw si Teressa, kulang nalang sasapakin ko 'tong pagmumukha niya.

"Pag di mo siya mahanap, lagot ka sa akin" sabi ko at pumasok na sa kwarto. Nagbihis na ako ng pambahay at umipo muna sa kama. Nakakastress, andaming files na kailangan kong icheck ngayon kasi kailangan ko pa yung ireport next week. Estimated 10 files pa yun tapos sabi ng manager may idagdag pa siya. Napapagod na ako pero kakayanin kasi nga pamilyado na ako. Pero bwesit nasaan ba kasi yung anak namin.

Si Andrew, I mean yung asawa ko, wala siyang trabaho kaya dito nalang siya sa bahay. Siya naman nagsabi na siya na bahala kay Teressa kapag magtatrabaho ako pero ayun voila, nawawala na ang aming anak. Wag naman sana siyang nakidnap, palagi naman yun dito sa bahay e. Diba, diba? Bwiset kasi tong si Andrew, ang sarap iwan.

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko si Andrew na nakatuwad, may tinitignan sa ilalim ng sofa. "Oh sa tingin mo ba kasya diyan yung anak mo?"

"Anak nga natin!" sambit pa niya. Kumulo ang dugo ko kaya di ko nalang siya pinansin at umupo sa sofa at pumikit bahala siyang maghanap dyan siya naman ang may kasalanan.

"Hanapin mo ang anak mo!" sigaw niya sakin kaya napadilat ako ng mata at sinamaan siya ng tingin. "Anong anak ko lang?! anak natin! Sayo galing yung sperm kaya anak mo din siya!" sabi ko, umiinit na talaga ang ulo ko.

"Ayan, ngayon alam mo na kung ano yung nararamdama ko nong sinabi mong anak ko lang! Sumisigaw ka pa nga nong inilipat ko sayo yung sperm, buti nalang mabait ako't nagshare ako sayo"

Ayun, ginagalita ako.

"Geh, anak ko yun pero di mo yun anak" sabi ko.

"Eh bakit? Sabi mo sa 'kin galing ang sperm, bumayo pa ako ng mabilis para mashare ko sayo yung sperm tapos ngayon anak mo lang siya? Nababaliw ka na ba?" pesteng yawa nitong lalaking 'to. Ayoko na 'to maging asawa.

"Ako yung nanganak!" sabi ko.

"Ako yung nagbigay ng sperm!" sabi niya.

Inirapan ko siya at pumasok na sana sa kwarto kaso may biglang kumatok sa pintuan namin.

"Ikaw magbukas" sabi ko.

"May kamay ka naman at paa, ikaw na magbukas" sabi niya at umupo sa sofa. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

Agad kong nakita ang anak ko na sobrang marumi tuwang tuwang pa na nakikita ako. Kinarga siya ni Mommy,

"Sumama siya samin kanina, nagpaalam naman kami kay Andrew" sabi ni mommy kaya nilingon ko si Andrew at tinignan ng masama. Umiwas naman siya ng tingin at nauutal na salita. "N-nakalimutan ko!"

Tinignan ko si mommy at ang anak ko. "Bakit napakarumi ni Teressa mom?"

"Naligo ng tsokolate na para dapat sa cake na lulutuin ko" sabi ni mommy at natawa. Napabuntong hinga ako at nilingon si Andrew. "Pst.." hindi siya nakinig.

"Pisting yawa, makinig ka!" sigaw ko dahilan upang mapatingin siya sa akin.

"Ikaw na lumigo kay Teressa" sabi ko pero nangunot ang noo niya. "Ikaw na, diba sabi mo anak mo yan?" sabi niya kaya umiinit angulo ko nabibwiset na ako sa lalaking 'to.

"Diba sayo galing yung sperm? Edi anak mo yan!"

"Ikaw yung nanganak hindi ako"

"Sa iyo galing yung sperm"

"Nagshare lang ako"

"Umungol lang ako"

"HOY MANAHIMIK KAYO! AKO NA ANG MAGLILIGO NG APO KO, MGA BWISET KAYO. AYAN GAWA-GAWA PA NG BATA SA HINDI NAMAN KAYANG ALAGAAN! ALIS! AKO NA BAHALA SA APO KO" sabi ni mama at dumiretso na sa banyo. Nagkatinginan naman kami ni Andrew pero inirapan ko lang siya at pumasok na sa kwarto. Bahala siya, wala siyang cuddle mamaya.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now