OS58: MY RUNAWAY GROOM

16 1 0
                                    

MY RUNAWAY GROOM

"Stella, sigurado ka bang pupunta si John?" tanong ni ate. Tumango ako kay ate. Kakatawag ko lang kay John, sabi niya may inasikaso lang sandali. Hindi ko naman alam kung ano yung inasikaso niya.

Nagpromise kasi kami kay aye na sasamahan siya sa pagpili ng wedding gown niya. Ikakasal na si ate.

"Text mo nalang siya mauna na tayo doon."

Tumango ako kay ate at ginawa agad ang sinabi niya. Hindi man lang nagreply si John at hinayan ko lang dahil sanay na ako. Tamad talaga mahreply ang lalaking iyon.

"Pagkatapos ng kasal ko, kayo na naman ang ikakasal." natutuwang sabi ni ate at napairap naman ako. "Hindi pa nga ako nakapagpropose sa kanya."

"Holyshi- ikaw ang magpopropose?" gulat na tanong ni ate habang sinusukatan siya ng mga babae dito sa botique. Napatawa naman ang mga babae.

"Ang astig naman non" sabi ng isang babae. Sumang-ayon naman ang kasamahan nito. Napailing ako habang ngumingiti.

"Para maiba naman tutal kilos babae naman yung lalaking iyon"

"Tas ikaw kilos lalaki?" sabi ni ate at sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya.

Sabi nga nila kilos lalaki ako dahil din siguro sa pananamit ko. Minsan lang ako nagsusuot bestida o palda.

But of course, si John yung nanligaw sa akin at para maiba naman ako ang magpropose sa kanya.

-

"Stella, nasaan na yung best man?" tanong ni ate. Nasa simbahan na kami ngayon at siya nalang yung hinihintay.

Ang bagal talaga ng lalaking ito, kilos babae.

"Nandito na ako" nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Naging okay ang kasal ni ate at ng asawa niya. At reception, gagawin ko na ang plano ko. Si ate lang naman din ang nagsuggest nito sa akin.

Ang magpropose kay John.

"Good luck" bulong ni ate. Kinuha niya yung ang microphones at siya na bride ay nag-aanounce na mayroon akong gagawin. Binigay ni ate ang microphone sa akin. Ngumiti muna ako bago nagsalita. Tinawag ko si John na ngayon ay nasa entrance ng reception hall, pinapalapit ko siya sa akin. Kahit nagtataka siya ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. Nang makarating na siya sa aking harap. Lumuhod ako at kinuha ang singsing na nasa bulsa ko.

"What are you doing?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti ako at kinuha ko ang kamay niya. "John, will you marry me?"

"Are you crazy?"

"Crazy for you" ngumiti ako.

"Ako dapat magpopropose sayo" yumuko siya. Ow my baby is embarrass hshshsh so cute.

"Gusto ko para maiba" I smirked. Tumayo ako at sinuot na kaagad ang singsing sa kamay niya. Nagsigawan ang mga tao. "I didn't say yes" he said.

"As if papayagan kitang no ang isasagot mo" he smiled and hugged me tight.

Masaya si ate sa akin at lahat ng tao ay nagpalakpakan na.

Lumipas ang mga araw, naging madalas na ang pagsasama namin ni John, hindi na siya palaging busy at yung mga oras niya ay nakatuon na sa akin. Ngunit sa tuwing may katawag siya magdududa ako kaso sabi niya mga kilyente niya lang.

Nagpaplano na kami sa kasal namin.

The date will be the date of our anniversary ng pagkamagjowa para daw iisa nalang ang gastusin sa anniversary at sa wedding namin.

One-Shot Stories [Collection]Where stories live. Discover now