MY 16 YEARS OLD ARABU BESTFRIEND
Nagulat ako non kasi may nagchat saking arabu tas sabi pa nya "helu frend". Hindi naman ako snobber kaya nireplyan ko. Ang tagal nyang magreply kaya akala ko nagpipicture payun ng ano para e send sakin. Ewan lang bakit pumasok yan sa isip ko.
Nagulat ako noong nagreply sya may sinend syang picture. Buti nalang wala akong load non kaya di ko nakita baka makakita ako ng bad hmp. Tas sabi nya "do u love it friend?". Di ko alam kung anong isasagot ko kasi di ko nga nakita yung pic tas baka espada nya yun. WAHAHAHA kaya di ako nagreply.
Yun ang last chat nya sakin. Lumipas ang ilang araw ay niloadan ako ni mama kaya ayon triny kong tignan ang sinend nya. Nacurious talaga ako. Nagulat ako sa nakita ko. Akala ko espada nya pero guys libro pala yun Harry Potter book 1-7. Nagreply ako sa kanya ng "yes, I love it why?" Buti nalang online sya kaya nakareply agad sya. Sabi pa nya "Oh same, I love it too" akala ko talaga ibibigay nya sakiiinn.
So ayun sunod-sunod na ang pagchat namin. Napag-alaman ko din na mahilig din sya magbasa tsaka 16 years old palang daw sya. Sinabi ko pa sa kanya na akala ko bastos sya kaya ayun nag "hahah " lang sya.
Araw-araw kaming nagchat non. Comfortable ako sa kanya tas sabi nya comfortable din sya sakin. Nagsheshare ako ng problems ko sa kanya tsaka sya din. Nalaman ko din na patay na pala ang papa nya. Sabi pa nya sakin "If only I could bring back the life of my father, I already did it" kaya ayon naawa ako sa kanya.
Matagal na dawng patay ang papa nya pero masakit padin daw para sa kanya. Syempre naman diba? Ganyan naman mararamdaman natin.
March 12, 2018. Pinadalhan nya ako ng pera para daw sa projects ko. Nahihiya nga ako non. Sabi pa nya "Don't be shy, my friend. That's what friends for" sa western union nga hinulog. Grabeee ang bait nya talaga.
Wala akong masabi sa kabaitan nya, tinanong ko nga talaga sya kung okay lang ba kung wala akong maibigay sa kanya tas sabi nya "it's okay friend, i only give. I don't want to receive"
Sa tuwing kachat ko sya, napangiti ako. Di dahil sa nga wrong grammar nya kundi ang sarap nyang kausap may pajoke joke pa sya na minsan di ko maintidihan kaya tumatawa nalang ako para naman kunwari gets ko.
Gabi-gabi kami non magchachat dahil nga kung gabi dito, umaga don. Halos matawa nga ako sa kanya kasi magsesend sya ng picture na nga memes na noodles naman yung language HAHAH basta di ko gets.
Until one day, di ako nakapag-online kasi walang kuryente samin tas lowbat ako. Nanghiram ako Kay ate ng phone makikionline lang grabee ang dami nyang message.
"Hi my friend"
"Are you okay?"
"Why u not reply me?"
"You not online"
"Done eating?"
"Hey friend, please reply"
"Okay, bye,bye. I'll chat you later"Yan ang mga message na natanggap ko sa kanya. I feel important. Nireplyan ko sya tsaka ipinaliwanag kung bakit di ako nakapagreply.
Nagreply sya. Akala ko magagalit sya pero ang hyper nya padin sabi pa nya na "I understand friend. I'm not angry" kaya huminahon ako. Sya lang talaga kachat ko non. Walang magchat na iba e.
Dumating ang araw na nasira ang cp ko. Hindi ako nakapag-online. Si ate din kasi nandun sa Leyte di na ako makahiram sa cp. 6 days later, dumating si ate kaya nakaonline ako. May chat sya. Ang dami nyang message. Binasa ko yun isa-isa napangiti ako. May sinend pa syang picture na book. (Di ko maintindihan Noodles ang title) Sabi nya. "This book is nice, but I know you will not understand, reply me if you online" kaya ayun nagreply ako ganun padin hyper padin ako pagdating sa kanya. Di sya online kaya nag-out muna ako.
December 25,2018. Di parin sya nagreply. Last chat namin November 15, 2018. Kakaonline ko lang kasi. Di ko alam kung bakit di siya nagrereply.
December 26, 2018. I visit his timeline. Ang daming post don na may paiyak iyak pero di ko maintindihan yun words pero may translation naman kaya binasa ko at yun tumulo luha ko. Noong mga time na nagchatchat kami ay nasa hospital pala sya. Ngayon ko lang din nalaman na may leukemia pala sya wengyaaa sakit sa pusooo. Wala na sya. Patay na sya. Ang sakit lang. Kaya pala palaging background ng mga picture nya book ay puti.
Message to Malik Abdul:
Hey friend, alam kong masaya kana jan kung saan ka man ngayon. Di man lang tayo nagkita. Ang bata mo pa diba birthday mo sa January 2? Sayang di ka na nakaabot sa 18th birthday mo. Namiss ko na nga wrong grammars mo na icocorrect ko. Sakin ka magpapaturo kung ano ang English ng ganun ganyan. Sabi mo pa nga magkikita tayo soon pero wala na e. Di ko naman madidiktahan ang kamatayan e kaya tanggap ko kesa naman magdusa ka sa sakit mong leukemia. Nasa hospital ka pala non pero bakit di mo sinabi? Pero kalimutan na natin yun. Sayo ko lang naprove na hindi lahat ng arabu bastos. Di naman talaga lahat. Pero ikaw ang bait mo e. Lagi mong tandaan na di kita nalilimutan. Ithre-thread ba kita kung nalilimutan kita? Syempre hindi ako ganun. I missed you friend. Bye bye. Be happy.
YOU ARE READING
One-Shot Stories [Collection]
RandomThese stories were the ones I posted on my facebook writing account. Someone told me to create a collection and here it is.